Kabanata 8

82K 2.4K 2.3K
                                    




Up

Hinagilap ni Xarius ang kamay ko at ipinatong 'yon sa kaniyang dibdib. I can feel his warmth on top of the cloth. Napalunok ako nang naramdaman ko ang titig ni Xarius habang nakangisi.

"Relax, hindi naman kita kakainin..." he whispered.

Mas lalo lang kumalabog ang dibdib ko but I tried to loosen up nang nagsimula na ulit ang shoot. Hindi ko man sigurado kung anong gagawin sa mga pictures na 'to dahil panigurado ay hindi papayag si Amara na kasama ako sa picture ang ila-launch.

Hinarap ako ni Xarius sa kaniya kaya nakita ko ang mapupungay niyang mga mata. He smiled at hinipo ang aking baba.

"Is it okay if I kiss you?"

Hindi ako nakasagot dahil sa kaba. Kahit naka-ilang pictures na ang na-take ay kumakalabog pa rin ang dibdib ko sa kaba. He chuckled at umiling.

"Just kidding, I know you want to take this slowly..."

Hindi ko alam kung saan nanggaling sa puso ko ang kaonting tuwa dahil sa sinabi niya. It's just he respects my decision at kahit hindi ako sigurado kung totoo ba ang sinasabi niya ay nararamdaman kong he still cares pero he's also trying to slow down.

Nang matapos ang shoot ay masayang-masaya si Betty dahil sa mga shots namin ni Xarius.

"Send mo na lang sa akin mamaya..." Xarius chuckled.

Tumango si Betty. "Sure, since ikaw naman ang nag-request nito!"

Napakunot ang noo ko at biglang napatakip si Betty sa bibig niya.

"Ito talaga si Betty oh, nabisto tuloy ako..." ani Xarius at napakamot sa ulo.

Napa-iling na lang ako. Betty requested pa siya riyan, e siya naman pala ang nag-request. This guy is always surprising me and I don't know kung hanggang kailan pa ako magugulat sa mga gagawin niya.

"How dare you?" napatingin kami nina Betty kay Amara na nakahalukipkip.

She saw our shots at nag-aalburoto nanaman siya. Tinitigan niya ako nang masama pero bago pa siya makapag salita ay inunahan na siya ni Xarius.

"Kakain kami ni Sydney ng ice cream, hindi ka kasama..." ngumisi si Xarius na parang bata.

Napangiwi si Amara pero natawa lang kami ni Betty. Hindi na nakapagsalita si Amara dahil inakbayan na ako ni Xarius at naglakad kami papasok sa dressing room. Nadaanan namin si Carlos na nakangisi sa nakita.

Pinalabas lahat ni Xarius ang mga tauhan at siya na raw ang bahala sa akin. Hindi ako maka-apila dahil sumusunod lahat sila agad sa kaniya. Naiwan kami ni Xarius sa loob ng dressing room.

"Hubad na..."

Kumunot ang noo ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko bigla. I shook my head dahil baka sakaling mawala sa isip ko 'yung epekto sa akin ni Xarius. Bakit ba sa tuwing andito siya sa tabi ko ay kinakabahan ako palagi?

I rolled my eyes at umupo sa tapat ng salamin. Dahil pinalabas niya na ang mga tauhan ay ako na lang ang magbubura ng makeup ko.

I heard him chuckled and sighed. Hinila niya ang isa pang upuan papalapit sa inuupuan ko.

"Ako na..." he said at inagaw ang wet wipes sa kamay ko.

Seryoso siya kaya hindi ako nagdalawang isip ipaubaya sa kaniya ang gawain since hindi rin naman siya titigil. Nakatitig ako sa mukha niya habang pinupunasan niya ang makeup ko.

"You still look good kahit wala kang makeup..." nahimigan ko ang kung anong pakiramdam sa kaniyang boses.

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya dahil bukod sa alam ko na 'yon ay hindi naman ako kinilig. But I can't deny that I'm trembling dahil he's too close and just looking into his eyes makes me wonder kung ilang babae na kaya ang nabaliw sa mga mata niya?

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon