Kabanata 2

104K 3K 2.2K
                                    




Dibdib

Habang kumakain ako ay ramdam ko pa rin ang paninitig nitong lalaking 'to. After what just happened a while ago, hindi ko alam kung makakayanan ko pang sabayan ang titig niya.

I can't believe that he saw me looking at that kind of picture. Baka iniisip niya isa ako sa mga babaeng balahura at katawan lang ang habol sa mga lalaki. Leyton is my first boyfriend, sa kaniya ko naranasan lahat ng first except lang sa sex.

Napatingin ako sa kaniya na seryosong nakatitig sa akin habang nakalukipkip. He's cold and deadly gaze is now dominating my system. Parang kanina ay nakangisi siya at kulang na lang ay tunawin niya ako sa hiya dahil sa pang-aasar niya.

This guy... siya ang nakakuha ng una kong experience sa kama. Siya rin ang unang lalaking kaya akong pangatugin sa kaba at asarin ng todo. I really hate that pero I'm kind of enjoying it dahil bukod sa gwapo siya, mukhang isa siya sa mga lalaking interesado sa akin.

Not surprised. Not at all...

"Why aren't you talking?" sabi ko.

Umigting ang panga niya. "You're still eating, mamaya na lang kita aasarin kapagkatapos mo kumain..." aniya.

Hindi ko alam kung joke ba 'yon or ang lakas pa rin ng tama niya. Napa-iling ako at nagpatuloy na lang sa pag kain. Naging abala ako sa pagpupuri ng kinakain ko at hindi ko na rin siya namalayan.

Matapos kumain ay I called the waiter for the bill at hindi pa rin siya umiimik nang gawin ko lahat nang 'yon. Nagugulat lang ako dahil hindi siya umiimik...

"Ako na magbayad..." aniya kahit naibigay ko na ang debit card ko sa waiter.

Napangiwi ako. "Bulag ka ba? Hindi mo ba nakita na binigay ko na ang card ko?" mataray kong sabi kaya ngumisi siya.

"Nakita ko nga..." aniya kaya umirap ako.

"Eh bakit sabi mo ikaw na lang ang magbabayad?"

"Wala lang, 'di ba gano'n sa mga movie? Tapos ma-iinlove sa kanila 'yung babae..." napangiwi ako nang hindi pa rin siya gano'n ka-playful.

Ang lakas nga ng tama nito. He's trying to look funny pero hindi naman siya mukhang masaya. Nang ibalik na ang card ko ay kaagad din akong tumayo mula sa aking upuan at sinilayan siya bago maglakad.

"Una na ako, Mr. Del Monfrio..." I said formally.

He looked up at me. "Call me Xarius, or Rius..." he smiled.

"Pinapaalala ko lang na we are business partner, not some sort of getting to know each other thing. I will be going, good bye..." bakas sa boses ko ang pagiging ma-awtoridad nito.

Nakita kong ngumisi siya nang makahulugan bago ako tuluyang naglakad papaalis do'n. Bakit biglang nawala 'yung electricity sa puso ko ngayong aalis na ako. I shook my head at binaling ang iniisip ko sa mga gagawin ko today.

Lumipas ang oras na marami na rin akong nagawa. Nakapag pa-checkup na ako sa OB ko about the pills dahil baka mabuntis ako no'ng kupal na 'yon and of course, nag-trabaho na ako and did some shopping dahil napansin kong nauubusan na ako ng pabango and coats.

Hindi ako umuwi sa condo ko at dumiretso ako sa bahay namin. Since sinabi ni Mommy kanina na we will have a dinner dahil sa natapos ni Amara ang ginagawa niyang project.

We always celebrate kapag may mga na-aachieve si Amara pero kapag ako ang may event sa buhay ko ay palagi silang busy so I always celebrate with Des and Sally.

Si Daddy ang nag-recommend sa akin na mag-condo na lang since I can have my free will and such. No'ng una ay magandang idea siya pero no'ng sumunod pang mga araw ay I feel alone while sila ay magkakasama sa bahay.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Место, где живут истории. Откройте их для себя