Kabanata 6

89.1K 2.4K 1.8K
                                    




Started

Ramdam ko ang init ng katawan ni Xarius na nakalapat sa aking dibdib. Nakasubsob ang kaniyang mukha sa aking leeg. Rinig at ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama ro'n.

I gave in again. Hindi ko pa maintindihan 'yung sarili ko kung bakit hindi magawang iwasan si Xarius. The more I resist, the more it will be irresistible. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang epekto niya sa akin.  There's something in him that I really look up to and when I am seeing that, I just can't stop myself from giving into him.

I should always remind myself that I should have precautions on every decision that I do. Kahit gusto ako ni Xarius, if ever man na he's really serious, pakiramdam ko this won't work and it will soon fall out.

Kapag masyadong mabilis ang mga bagay, mabilis din itong natatapos. Kaya kung gaano kabilis ni Xarius na-develop ang kaniyang pagkagusto sa akin ay gano'n din ito kabilis matatapos. It will soon be over and I'm expecting it...

Ngumuso ako at hinipo ang malapad na likod ni Xarius. "Akala ko ba magiging formal na tayo, tapos ikaw rin itong unang sumuko..."

He chuckled at nag-angat ng tingin sa akin. "Marupok ako e..."

Umirap ako at iniwas ang tingin ko. He's too close and kapag sumerseryoso siya ay nagsisitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Nakakakaba kapag sobrang lapit ko sa mukha niya, parang nakakahiya dahil sa sobrang perfect ng mukha niya.

Umayos siya ng higa at bahagyang nakalayo na rin sa akin. Suminghap siya at tinitigan ako.

"So, sasama ka na ba sa Casa Aqua? Promise, hindi kita iiwanan kaya hindi ka maa-out of place. Ako bahala sa'yo!" aniya at tinaas ang isang kamay na parang nagpa-panatang makabayan.

Mahina akong natawa at umiling. "No, I am really okay... I really should go home and babalik naman ako bukas so no worries. I'm just not in the mood to be friendly..."

Bahagya siyang nag-pout at tumango. "Okay, sabi mo e..." aniya at mahinang tumawa.

Hindi na rin kami nagtagal sa kama niya dahil hinahanap na rin siya. Inutusan lang pala siya kumuha ng tupperware and ilang oras na siyang nawawala tapos kumukuha pa rin siya ng tupperware.

"Oo, traffic e..." aniya sa kabilang linya habang ako naman ay nagtatali ng aking buhok.

Nakangisi siya habang nakatingin sa akin. Itong lalaking 'to, nagsinungaling pa. Pwede naman niyang sabihin na iba ang kinuha niya.

"Oo, nahirapan din kasi ako hanapin 'yung tupperware. Iinom din naman ako kanina ng gatas tapos kumalat sa sahig dahil nasanggi ni Xavier kaya ayon nilikpit ko pa..." he bit his lower lip to refrain from laughing.

Napa-iling na lang ako habang nangingiti. Bilib na ako sa pagdadahilan nito at kung sinuman ang magiging girlfriend nito in the future ay magiging kawawa, parang totoo kasi 'yung sinasabi niya e.

Nag-ayos lang ako ng aking sarili saglit bago kami bumaba para makauwi na ako ng Maynila. I want to take a shower and have some rest in my bed. I still can't find the peace kahit okay naman na kami ni Xarius, there's still something doubtful about it.

"Ingat ka ha?" he smiled.

Tumango ako at kinawayan siya. Akmang tatalikod na ako at maglalakad na sana nang bigla ulit siyang nagsalita.

"Ma-mimiss kita, grabe isang araw tayong hindi magkikita..." he acted crying.

Napangiwi ako. "Ang OA mo, hindi bagay sa'yo. Mukha kang asong nanghihingi ng gatas..." umirap ako.

He chuckled. "Joke lang! Sige ingat ka boss, see you tomorrow..." he smiled sweetly kaya tumango na ako at naglakad papapunta sa van.

Sinilayan ko siya na nakatayo sa tapat ng Cadillac na itim at nakangiti sa akin. Ngumiti ako pabalik bago ko sinarado ang pintuan ng van. Hindi ko na naitago ang ngiti sa aking labi...

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Where stories live. Discover now