Kabanata 31

60.7K 2.1K 1.3K
                                    


Needing

"Invited kayo?" tanong ni Andres.

Natawa si Sally sa tanong niya. "Obvious ba? Kayo, bakit kayo nandito?" ganting tanong niya.

Hindi sila nakasagot at nagkatinginan pa. Maybe irereto nga nila si Rius sa ibang babae pero mukhang hindi matutuloy dahil andito ako.

"Andito kami para maki-party..." sabi ni Lyndon.

Sa halip na pakinggan ko sila ay ibinalik ko na ang tingin ko sa aking phone at tinext si Maxine.

Sydney: I am here.

Suminghap ako bago pinatay ang aking phone para muling balingan sina Rius. He's still wearing his grim expression. Iniwas niya kaagad ang tingin niya sa akin nang nagtagpo ang mga mata namin.

"Maki-party? Mambabae lang kayo e, parang hindi mo naman ako naging jowa, Lyndon..." Sally scoffed.

Bago pa makasagot si Lyndon ay bumukas na ang pintuan at bumungad sa amin ang excited na si Maxine.

"Oh my gosh! Hi!" she greeted me lively.

I chuckled. "Hi... dinala ko pala mga kaibigan ko para ipakilala sa'yo..." sabi ko at nginitian siya.

"Hi, I am Sally..." she winked.

"I am Desiry!" maligayang pagpapakilala ni Desiry.

"Hello po! Ako po si Maxine, kapatid—" naputol ang kaniyang sasabihin nang napadpad ang mga mata niya sa direksyon nina Rius.

"Ay ayan na pala sila e!" she chuckled. "There, kapatid ko si Xarius."

Sally and Desiry chuckled awkwardly. "We know..."

Nang makapasok na kami sa loob ay bumungad sa amin ang closed curtains at mga hindi pamilyar na mga mukha, probably because they are students? Classmates of Maxine or whosoever...

"Pasensiya na kayo medyo maraming tao but don't worry I've save a space for you sana pero hindi ko inasahan na kasama mo mga friends mo but it's okay!" she smiled at tinuro ang bakanteng space sa mga living room.

Mas lumakas ang tugtog nang nakapunta kami sa living room and some are dancing, chit-chatting, drinking, eating and even kissing. May mga nasa balkonahe, kitchen and most likely everywhere at tanging itong pwesto lang na ito ang bakante.

"Dito kayo Kuya oh..." tinuro ni Maxine ang bakanteng pahabang sofa.

Nang tingnan ko ang kusina ay bumalik lahat sa akin ang moments ko kasama si Rius. Dito ko nai-kwento sa kaniya lahat... 'yung time na nakinig siya sa akin. 'yung time na kumalabog ang dibdib ko dahil sa mga simpleng salita ni Rius.

It will always be my favorite memory.

Napabaling ako kina Lyndon na nagtutulakan kung sino ang mauupo nang mas malapit kay Sally. Nasa kabilang pahabang sofa kasi kami at kalapit lang no'n ang inuupuan nina Lyndon pero sa huli ay si Lyndon ang naupo malapit kay Sally.

"Drinks? May takoyaki, waffle, chips, chocolates, fries and sandwich!" ani Maxine habang nakatayo sa harapan namin.

"We'll have fries and takoyaki... pakidamihan kasi share na kami ro'n tatlo." Sally chuckled.

Maxine nodded cheerfully. "How about the drinks, Liquor or Juice?" she asked.

"May vodka kayo, papainumin namin si Sydney e. Brokenhearted, irereto namin sa mga lalaki rito..." Sally smirked kaya hinampas ko siya kaagad sa braso.

Wala sa sarili akong napatingin sa direksyon ni Rius na nakasimangot habang nakatingin sa akin. Binalingan niya kaagad ang ibang direksyon nang nagkatinginan kami.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Where stories live. Discover now