Kabanata 45

62.5K 2K 1.8K
                                    




About it

Natuon ang mga mata nila sa aking lahat at kabilang na ro'n si Seig. Napalunok ako at hindi ko na alam ang gagawin ko... anong sasabihin ko?

I bit my lower lip. "I think ay hindi magandang pag-usapan 'yan ngayon sa harap ng anak ko..." sabi ko at seryosong tiningnan si Rius na mas seryoso ang mukha sa akin.

Umigting ang panga niya. "Really? You said, you already have a family and your son's father is unidentifiable? Why is that?" muling tanong ni Rius kahit sinabi ko na na hindi ito magandang topic para pag-usapan sa harap ni Seig.

I sighed. "Ang ibig kong sabihin do'n ay nahanap ko na ang totoo kong pamilya, hindi 'yung iniisip mo..." sabi ko.

Nagtaas siya ng kilay at tumango. "Then you don't have a boyfriend yet?" naglaro ang boses niya sa tainga ko at sa hindi malamang dahilan ay naging dahilan ito ng pagtayo ng mga balahibo ko.

"Oo! Wala pa 'yan boyfriend. Hinahanapan ko nga sa mga dating app pero ayaw, hindi pa raw siya nakaka-move on sa nakaraan niya! Hay nako ito talagang si Sydney... " komportableng sabi ni Melanie.

Napasapo ulit ako sa ulo ko pero nagkunwari akong inayos lang ang aking buhok. Oh my god... nabibisto ako sa mga sinasabi ni Melanie. Parang gusto kong isaboy sa kaniya 'yung sinigang kapagkarating sa table namin.

Tiningnan ko si Rius na nakangisi sa akin. I mean, saang past pa ba ang hindi ako nakaka-move on? E 'di sa kaniya lang? Hindi ko na siya gusto pero I want to be friends with him at least so that he could support Seig in anyways, para walang ilangan.

"Oh, hindi pa pala siya nakaka-move on sa past? So, hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend since nagpunta siya rito?" si Melanie na ang tinatanong niya.

Oh my god, hindi pa ako nagkaka-boyfriend for the past 7 years of my life here! I have to butt in! Oh my god...

"Alam ko wala, kasi lagi niyang nire-reject 'yung mga poging Canadian. Maarte kasi 'yan si Sydney e... porket maganda!" she chuckled.

Lumipat ang mga mata ni Rius sa akin atsaka ako tinaasan ng kilay. Oh my god, he's solving the puzzle. I know na inaalam talaga niya kung sino ang ama ni Seig sa paraang hindi direct sa pagsagot ng tanong na 'yon.

"I have noh! Nagkaroon na ako ng boyfriend and nakilala ko siya sa dating app din! Uhm... mga 6 months din kami and hindi ko 'yon dinisclose kaya walang nakakaalam..." I lied.

He chuckled at alam kong may ibig sabihin ang pagtingin niya sa akin. Kanino pa ba magmamana sa katalinuhan ang anak ko? Sa ama niya malamang.

"Baby, cover your ears," nginitian niya si Seig at kaagad sinunod ni Seig ang sinabi niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "What are you doing?"

"No filter, direct question. Nag-sex na kayo ng boyfriend mong 'yon?" hindi kalakasan ang boses niya at nananatili pa ring seryoso ang kaniyang ekspresyon.

"Yes..."

"Kailan naging kayo?"

"Uhm... 3 years ago..."

Ngumisi siya. Binalingan niya si Seig na nakatitig lang sa kaniya at nang ngitian niya ang anak ko ay kaagad din siyang nginitian nito. Napalunok ako dahil kinakabahan ako sa mga susunod niyang itatanong.

He signaled my son na maari na niyang tanggalin ang takip sa tainga niya.

"Can I ask you a question?" he smiled at Seig.

Tumango si Seig. "What's your question po?"

"How old are you?"

Nanlaki ang mga mata ko at kunwaring naubo para maagaw ko ang atensyon ni Seig. Mabilis magalala si Seig kapag nagkaka sipon or ubo ako...

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Where stories live. Discover now