Kabanata 50

71.3K 1.9K 822
                                    


Dulo

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Ramdam ko pa ang comforter na nakabalot sa katawan ko maging ang lambot ng kama. Lasing pa ang mga mata ko nang lingunin ko ang pwesto ni Rius pero wala na siya ro'n.

Suminghap ako para gisingin nang bahagya ang sarili ko dahil ramdam na ramdam ko pa rin ang antok. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa nangyari kagabi o talagang ang sarap lang matulog sa kama ni Rius.

Napakamot ako sa ulo ko nang nawalan na ako ng choice dahil kailangan ko pang tingnan ang anak ko.

Sumaglit ako sa CR para asikasuhin ang sarili ko bago tuluyang lumabas ng kwarto ni Rius.

Napakunot ang noo ko nang nakita ko sina Rius at Seig na masayang nagluluto. Rius is wearing a Pucca apron while Seig is wearing a Mr. Bean apron. Natawa na lang ako dahil tawa nang tawa si Seig habang tinuturuan siya ni Rius magluto.

Napatingin na sila sa akin nang nakalapit na ako kung nasaan sila. Humalukipkip ako habang nakangisi sa kanilang dalawa. May mas gaganda pa ba sa umaga kong 'to? Seeing my son and his father happily enjoying each other's company.

"Good morning, Mommy! Papa is teaching me how to make a pancake!" masayang sabi ni Seig.

I chuckled. "Good morning, baby..." Napadpad ang mga mata ko kay Rius na nakangiti sa akin. Ang cute nila...

Pinatay na ni Rius ang kalan at si Seig naman ang naglipat ng pancake from the pan onto the plate. Inalalayan ni Rius si Seig sa pagbaba niya sa upuan, since hindi niya abot 'yung kalan.

"Dalhin mo na 'to sa table..." hinipo ni Rius buhok ni Seig habang nakangiti.

Lumapit sa akin si Rius habang nakaamba ng yakap. Tinanggap ko ang yakap na 'yon. Napasinghap ako dahil sa gaan sa loob habang nasa bisig niya. At least I am now assured that my decision was okay and it went well. Here it goes.

"Good morning, bhie..." he chuckled habang nakayakap pa rin sa akin.

Hinipo ko ang matipuno niyang likod. "Good morning," sabi ko.

"Nakatulog ka ba nang maayos?"

"Oo... ang lambot ng kama mo e..."

He chuckled. "Masarap tulog mo kasi pinagod kita kagabi..."

Kumalas agad ako sa pagkakayakap at hinampas siya sa braso. Hinipo niya ang hinampas ko habang tumatawa. Sinamaan ko siya ng tingin at nilingon nang mabilisan si Seig kung narinig niya 'yon pero mabuti na lang ay abala siya sa paghahanda ng lamesa sa hindi rin kalayuan kung nasaan kami ni Rius.

"Manahimik ka nga... pag ikaw narinig ni Seig e."

Aabutin na sana niya ang baywang ko pero iniwas ko 'yon.

"Sungit naman nito. Wala man lang ba akong morning kiss?" ngumisi siya at naabot na ang baywang ko.

Ilalapit na sana niya ako sa katawan niya nang bigla kaming tawagin ni Seig.

"The table is set, Mommy and Papa!" aniya at hinubad na ang apron niya.

Tumango ako habang nakangiti kay Seig na umupo na sa pwesto niya. Nilingon ko si Rius na nakangisi sa akin nang nakakaloko.

Bumaba ang tingin ko sa apron niya. "Bakit ganiyan apron mo? Bakla ka ba?" I teased him.

He chuckled. "Oo, sis, kaya sabay tayong maligo mamaya... since wala namang malisya?" Inangat niya ang mga kilay niya habang nakangisi pa rin nang nakakaloko.

"Sige, basta hahalik ka ng lalaki mamaya ah?"

"Basta ikaw 'yung lalaki, papayag ako."

"Tse!" Inirapan ko siya at pinuntahan na si Seig.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Where stories live. Discover now