Kabanata 26

62.1K 1.8K 1K
                                    




That

"Na-aksidente si Rius... sinugod na siya sa hospital ngayon."

Halos hindi ako mapakali habang paulit-ulit kong naririnig ang sinabi ni Lyndon sa isip ko. Nanatili siya sa linya dahil mababaliw ako kapag nanahimik ang paligid ko.

"Andito na 'yung doctor..." natigilan ako nang narinig ko ang boses ni Lyndon sa kabilang linya.

Napalunok ako at sakto naman ay may huminto ng taxi sa harapan ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa kaba.

"Kausapin ka raw no'ng doctor since sinabi kong ikaw dapat ang makaalam..." he sounded mourning kaya mas kinabahan ako.

"Hello, this is Doctor Andres. Gusto ko lang malaman mo na hindi totoo ang sinasabi ni Lyndon dahil it's a prank!" 

Narinig ko ang tawanan nilang dalawa sa kabilang linya. Napapikit ako nang mariin dahil sa sobrang inis. Kumuyom ang kamao ko at gusto ko ng sapakin sina Lyndon sa mukha nang sobrang lakas.

"Joke lang! Andito si Rius sa club nagpapakalasing... nakahubad na nga e. Pinapabayaan lang namin kasama niya si Eltyre." Natatawa pa rin si Lyndon.

Huminga ako nang malalim bago nagsalita, trying to calm myself. Gusto ko talaga manapak o manabunot!

"Alam niyo kayo ni Andres, mga wala talaga kayong magawa sa buhay. Tangina niyong dalawa. Saang club 'yan?!" sigaw ko.

Humalakhak silang dalawa ni Andres kaya mas nainis ako. Jusko! Halos malaglag na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Baka sisihin ko ang sarili ko kung nangyari 'yon. I am with him and alam kong lasing siya tapos hindi ko man lang tinawagan kaibigan niya to look after him man lang.

Nang masabi na sa akin ni Lyndon kung saang club ay pinatay ko na ang tawag at sumakay na ako sa taxi. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ramdam ko pa rin ang kaba at panginginig ng buong katawan ko.

Sa buong biyahe ay kinakalma ko lang ang sarili ko. Gusto ko talagang manakit dahil sa ginawa nina Lyndon. Grabe talaga...

Nang makarating ako sa night club kung nasaan sina Rius ay namataan ko kaagad sina Lyndon at Andres sa tapat ng isang kotse habang nagtatawanan. Hindi na rin ako na-conscious dahil mukhang bagay naman ang suot kong dress para sa club na 'to.

"Hoy dalawang kuto!" sigaw ko habang naglalakad papalapit sa kanila.

Nakahalukipkip si Andres habang nakasandal sa likod ng isang fortuner at si Lyndon ay nasa tabi niya, nakaharap sa direksyon ko.

Nakangisi silang dalawa habang ako ay nakasimangot. Napanguso silang dalawa nang masilayan ang suot ko.

"Damn... kaya pala baliw na baliw sa'yo si Rius... hindi biro ang ganda mo..." Andres chuckled.

Inirapan ko siya dahil wala akong pakialam kung pinuri niya ako. Bwisit pa rin silang dalawa dahil sa ginawa nila sa akin!

"Kung ganiyang mukha makikita ko bawat umaga, siguro palaging ang sarap gumising..." gumatong si Lyndon.

I make face. "Anong akala niyo madadaan niyo ako sa mga bola niyo? Kapag inulit niyo pa 'yon sa akin, pipitikin ko 'yang mga itlog niyo!" sabi ko kaya nagtawanan silang dalawa.

"Puntahan mo na si Rius do'n, susunod na kami." Nginisian ako ni Andres.

Padabog akong lumisan sa pwesto nila dahil sa pagka-irita. The usual vibe of a night club welcomed me. Waves of people letting themselves be drunk as they dance along on the music.

May mga napapadaan ang mga mata sa akin ngunit naka-focus ang atensyon ko sa paghahanap kay Rius. He's crazy honestly speaking pero hindi ko siya masisisi. Mahirap nga itong sitwasyon namin at kahit ako ay hindi ko rin alam kung tama ba 'tong ginagawa ko.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن