Kabanata 55

63.5K 1.9K 1.6K
                                    

Pagbati! Nasa huling kabanata ka na ng LITWL. Maraming salamat sa pagbabasa hanggang dito.

_

Sydney

Nagising na lang ako na nasa isang kwarto ako. Malamang sa malamang ay ospital 'to. Nang subukan kong gumalaw ay naramdaman ko kaagad ang hapdi mula sa aking balikat maging sa mga hita ko. Fuck Amara!

Napasinghap ako nang nakita ko sina Kris, Bea at Irene na kakapasok lang ng room ko. Laking gulat nila nang nakita ko nila akong gising.

"Ate!" gulat na tawag ni Irene.

I smiled bitterly. "Ayos lang kayo? Anong nangyari sa inyo sa bahay?" salubong ko sa kanila nang makalapit sila sa akin.

Kinunotan ako ng noo ni Bea. "Alam mo, ate, nakakainis ka. Ikaw na nga 'tong nabaril diyan kami pa rin ang iniisip mo." Sumimangot siya.

Okay lang kami, ate. May dumating na dalawang lalaki sa bahay, 'yung isa ay si Tito Evan tapos 'yung isa hindi ko kilala," sabi naman ni Kris.

"Huwag muna natin ikwento kay ate 'yung mga nangyari. Okay ka na ba, ate?" si Irene.

Tumango ako. Pakiramdam ko ay kahit nawalan ako ng malay ay pagod na pagod pa rin ako. Sobrang sakit ng mga nangyari sa akin ngayon... teka...

"Gaano na ba ako katagal natutulog?"

"Isang araw pa lang naman, ate..." ani Bea.

"Sina Seig at Rius? Kumusta sina Mama at Papa? Kumusta sila?" nag-aalala kong tanong na para bang hindi mapakali.

Nagtinginan silang tatlo bago napasinghap at tumingin sa akin. Mas lalo akong kinabahan dahil hindi ko maipinta ang mga mukha nila.

"Seig is fine, ate. Si Kuya Rius ay natutulog ulit dahil napukpok nang husto ang ulo niya pero ang sabi ay kailangan niya munang mag-take ng mga gamot at magpahinga..." sabi ni Irene at nilingon si Bea kaya nalipat ang mga mata ko sa kaniya.

Thank God, kahit papaano ay ayos lang ang mag-ama ko. Gusto ko man sila makita pero hindi ko alam kung makakabangon ako rito.

"Sobrang nagulat kami no'ng nalaman naming nasa ospital din si Kuya Tyler at si Mama..." si Kris.

"Okay naman na si Mama, ate. Naka-survive siya dahil banda sa tiyan siya natamaan pero she's still unconscious kaya ando'n si Papa... hindi pa 'yon natutulog..." malungkot na sabi ni Bea.

"How about si Tyler?

Kinakabahan ako nang banggitin ko ang pangalan ni Tyler. Pero laking pasasalamat ko na ayos lang ang nanay ko. Gusto kong maiyak sa tuwa pero at the same time ay nag-aalala pa rin ako para sa sitwasyon nila.

Umuwi kami ng Pilipinas para mag-celebrate ng pasko at maipasyal ang anak ko sa Pilipinas. Hindi ko inakalang ganito ang sasalubong sa amin...

Biglang tumulo ang luha ko kaya napatigil si Bea na magsasalita na sana. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. Niyakap kaagad nila akong tatlo, comforting me...

"Magiging okay rin ang lahat, ate. Magpapasko tayong kumpleto..." bulong ni Bea.

Tumango ako habang umiiyak.

"Okay lang din si Kuya Tyler. Maliit lang ang caliber ng pistol na gamit no'ng bumaril sa kaniya pero still, he's in critical condition dahil may tama siya malapit sa leeg at isa rin malapit sa balikat..." pagtutuloy ni Bea at umayos na ulit ng tayo pero naiwan sina Irene at Kris sa gilid ko at nakayakap pa rin.

I felt relieved. Although not fully pero at least buhay sila at nagpapagaling. I cried more dahil sa sobrang relief na nararamdaman ko pero at the same time ay bigla rin akong nalungkot nang naalala ko ang nangyari no'ng araw na 'yon.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Where stories live. Discover now