Kabanata 47

57.8K 2.1K 1.2K
                                    




Private

Gabi na nang nakarating kami sa bahay ni Tyler, sa La Grandeza. Karga ni Tyler ang anak ko dahil kanina pa tulog. Siguro'y napagod din sa biyahe.

Kanina nang nadaanan namin ang bahay nina Rius ay para akong kinikilabutan sa kaba. Hindi ko alam kung bakit sobra akong natataranta kapag malapit lang si Rius. Pakiramdam ko mahuhuli niya lahat ng nararamdaman ko gamit lang ang pagtingin sa aking mga mata.

'Yung sinabi lang ni Rius bago kami sumakay sa eroplano ang iniisip ko sa buong biyahe. Nakakatulog ako habang nasa eroplano pero kapagkagising ko ay gano'n pa rin ang papasok sa isipan ko.

Bakit niya ibabalik sa akin ang sulat? Hindi ba ay sinabi niyang 'yon na lang ang pinaghahawakan niya sa akin. E 'di gusto na niyang bumitiw, kung gano'n?

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ang alam ko kasi talaga okay na ako e... naka-move on na ako sa kaniya pero bakit ako nalulungkot ngayon? Siguro kasi kung kailan napagdesisyunan ko ng ipakilala siya kay Seig, atsaka niya parang ipaparamdam na tapos na.

Nag-ayos na kami ng mga gamit at nagwalis ng kaonting mga kalat si Tyler atsaka 'yon di-nust-pan. Maliit itong bahay na 'to kung lahat kami andito kaya naman nagtiis muna kami kahit tabi-tabi. Tatlo ang kwarto rito. Magkasama kami ni Tyler sa kwarto niya habang sina Bea ay sa isang kwarto kasama ang asawa't mga anak niya at sina Papa sa isa pang kwarto kasama sina Irene at Kris.

Habang mahimbing ang tulog ni Seig ay nag-uusap kami ni Tyler tungkol sa text ni Rius sa akin. I am just very thankful na andito si Tyler to help me with these thoughts na hindi ko alam kung kaya kong i-handle mag-isa.

"Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya haharapin..." sabi ko habang nakaupo sa gilid ng kama kung saan natutulog si Seig.

Nakahilig si Tyler sa pader habang nakahalukipkip at nakatingin sa akin nang seryoso.

"Why don't you face him then find out yourself? Marupok naman 'yon sa'yo e..." he chuckled.

Ngumuso ako at kinunotan siya ng noo. "Hindi ko sinasabing maging marupok siya sa akin. Kahit mawalan na siya ng pakialam sa akin, basta huwag sa anak niya..." sabi ko.

"E 'di tell him yourself para matapos na 'yang iniisip mo."

Inirapan ko siya. "Wow thanks, ha? Siyempre kailangan ko rin ihanda ang emosyon ko para maging maayos ang pag-uusap namin..." sabi ko at dumekwatro.

Mahina siyang humalakhak dahil baka magising si Seig. "I mean, just get over it. Tell him and find out kung ano bang mangyayari sa inyong dalawa. Are you still in love with him, anyway?"

Nanatili ang mga mata ko sa kaniya at hindi makasagot. 'Yan din ang iniisip ko... kung naka-move on na ba ako. I mean, siguro nasanay na ako na wala siya sa tabi ko and I'm more than contented sa mayroon ako ngayon? I have Seig now, my family and I couldn't ask for more.

"I don't know. Siguro nalulungkot ako na parang ipinahihiwatig niyang gusto na niyang bumitiw para kay Seig..."

"Maybe he wants you to tell him that he's Seig's father, don't you think so?" nakakunot-noo niyang hula.

I sighed at umiwas ng tingin. "'Di ba, ikaw rin ay biglang naguluhan... hindi ko rin kasi maintindihan si Rius at kung ano ba ang mga plano niya ngayong nagkita na ulit kami..." sabi ko.

Nanlaki ang mga mata ko at kaagad kinuha ang phone ko na nakapatong sa side table ng kama. I almost forgot his text message! Kailangan kong bumili ng sim card na local.

Unknown Number: I know where you are going, susunod ako. Let's talk about this in person.

I bit my thumb's nail. Mas lalo tuloy akong kinabahan sa totoo niyang dahilan dahil sa personal pa pala kami mag-uusap tungkol do'n. Pero somehow ay mas mainam na rin para nga mas maging maayos.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Where stories live. Discover now