Special Chapter 3

14.9K 290 12
                                    

"Nakakainis ka naman, Rius. Kanina mo pa ako tinatalo. Kawawa naman si Xiaoyu. Bwisit na tiger yan. Ampangit!" bulyaw sa akin ni Sydney dahil kanina ko pa siya natatalo.

Humalakhak ako at umamba ng kiss sa kaniya pero tinulak niya ang mukha ko.

"Luh, si bhie naman... kiss lang, e..." sabi ko at bahagyang sumimangot.

Inirapan niya ako. "Diyan ka na nga sa tiger mo. Magkagatan kayo. Lahat na ng player ginamit ko, hindi pa rin kita matalo. Inaya mo lang ata ako nito para pikunin ako."

Bago pa siya makatayo mula sa couch ay nahagip ko na agad ang baywang niya kaya napaupo ulit siya. Niyakap ko siya mula likuran. Hinalikan ko ang kaniyang balikat paakyat sa kaniyang leeg.

Hindi siya pumapalag kaya napangiti ako nang patago at mas ipinagbuti ang ginagawa ko. Kinukuskos ko ang ilong ko sa kaniyang balat habang pinapatakan nang mainit na halik.

"Sige na... laro pa tayo. 'Yung kangaroo naman gagamitin ko..." I whispered.

Nilingon niya ako na bahagyang maamo na ang mukha pero nakasimangot pa rin. Gusto niya kasi manalo kaso hindi ko pinapanalo. Siya rin naman nagsabi na 'wag ko raw hindi galingan para manalo siya. Sumusunod lang naman.

"Bawal gamitin 'yang tiger na 'yan, ah!" singhal niya at kinuha ulit ang controller.

"Opo..." ngumiti ako at kiniss siya ulit sa pisngi. Hindi siya pumalag.

Ginamit niya ulit si Xiaoyu tapos ginamit ko si Wang. Wala naman siyang alam dito kaya hindi niya alam 'yung mga players.

"Ayan! Gamitin mo 'yan si Lolo, hindi naman 'yan malakas," masiya niyang sabi at mukhang confident na mananalo siya.

Sa unang round hinayaan ko siyang matalo niya ako. Nahirapan din naman akong gamitin 'to pero dahil sanay naman na akong maglaro nito ay hindi na ako gano'n nahirapan mangapa. Kaya sa second round nanalo na ako hanggang sa third round.

Napakagat ako sa ibaba kong labi nang natapos ang third round. Alam kong nakasimangot na siya ulit. Dahan-dahan ko siyang nilingon. Nakatingin siya sa akin nang masama. Kaya malawak akong ngumiti.

"Baby... laro lang 'to. Asawa mo pa rin ako tapos pogi. Uhm... mabango tapos masipag. Pagpapalit mo ba ako sa game?" Ngumiti ako nang maamo dahil parang papatayin na niya ako sa titig niya.

"Sa sala ka matulog mamaya, ah..." madiin ang pagkakasabi niya.

"Luh, bhie... lalamigin asawa mo ro'n. Payag ka ba lalamigin ako ro'n? Hindi mo na ako love?" umakto akong nakasimangot kaya ngumiwi siya.

"Mahalin mo 'yan si Lolo pati 'yang tiger mo! Che!" Inirapan niya ako at tumayo.

Napakagat ako sa ibaba kong labi. Hinayaan ko siyang umalis dahil feeling ko kakagatin niya ako kapag pinigilan ko siya. Humalakhak ako paglabas niya ng kwarto pero napatahimik agad ako nang sumigaw siya.

"Xarius Zedion narinig ko 'yon!"

Pinatay ko na ang PlayStation. Sinundan ko siya palabas ng kwarto. Mukhang pupuntahan niya sina Seig sa baba. Magsusumbong siguro kay Seig. Since minsan pinagkakaisahan nila akong tatlo nina Syri. Akala naman nila matatalo nila ako.

Pero ang ending ako pa rin nanunuyo kay Sydney pag matutulog na kami. Hindi ako hinahayaan halikan siya, e. Kahit yakap—ayaw niya. Gusto na ako sakalin, e.

"Baby? Maganda kong asawa? Bhie?" sabi ko habang bumababa ng hagdan.

Nadatnan ko siyang nagsusumbong nga kay Seig. Nakasimangot siya sa akin at nakasimangot na din si Seig. Habang si Syri ay tumatawa sa gilid.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Where stories live. Discover now