Kabanata 4

83.9K 2.7K 1.8K
                                    




Should be

Habang kumakain ay tahimik lang akong nakikinig sa walang tigil na kwento ni Amara kay Xarius dahil nga she's so clingy at him na para bang tarsier nakadikit sa isang bagay na paborito nito.

"You know naman how shopaholic I am, right? so kapag pumunta na ako sa California ay sasamahan mo ako ha?" aniya at ngumuso na parang bata.

"Yeah sure..." tipid na sagot ni Xarius at tumingin sa akin na abala lang sa pagkain ko.

Nagtama ang mga mata namin at bumaba ang mga mata niya sa pagkain ko.

"May gusto ka pa?" sabi niya kaya hindi ko pa ito na-process agad dahil abala sila sa pag-uusap nila Mommy at parang wala ako rito.

Napatigil sa pagsasalita si Amara at kinunotan ako ng noo. Nang nakita ko ang reaksyon niya ay umiling agad ako kay Xarius kaya bumalik na ang mga mata niya sa pagkain niya.

I don't know kung ano bang problema nito ni Amara sa akin, she's always jealous of the simple things I have. Akala niya naman inaagaw ko si Xarius sa kaniya, wala naman akong balak.

'Yung sinabi ni Xarius kanina ay hindi ko alam kung isasapuso ko 'yon o babaliwalain. How can he like instantly without knowing me well? Ano naman ang nagustuhan niya sa akin at nagawa niya akong magustuhan? Bahagya lang akong nalilito dahil noong kami ni Leyton ay kinilala muna namin ang isa't isa bago kami nagkagusto.

I am not saying that it doesn't make sense because may mga tao talaga mabilis magkagusto at kung gaano sila kabilis magkagusto, gano'n din kabilis mawala 'yon. I know Xarius will stop sooner so siguro ay babaliwalain ko na lang. Ni-hindi nga namin alam favorite color ng isa't isa o pati edad man lang yet gusto niya ako agad?

"By the way, kumusta na kayo ni Leyton, my dear sister?" napatingin ako kay Amara nang tanungin niya 'yon.

Nagbara bigla ang lalamunan ko at hindi ko mahanap ang kakayahan ko para makapagsalita. Nakita kong lumipat ang mga mata sa akin ni Xarius at hindi ko mabasa kung ano ang sinasabi ng kaniyang mukha. His expression is plain and unreadable.

Uminom muna ako ng tubig bago binalingan ang tanong ni Amara.

"Hindi na kami nag-uusap..." 'yon na lamang ang nasabi ko bago muling tumingin kay Xarius na nananatili pa rin ang hindi mabasang ekspresyon.

"Don't you still love him, why don't you date secretly pa rin para kahit against ang mga magulang niya sa inyo ay kayo pa rin. Sooner or later they will accept it naman e," aniya at nagkibit balikat.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil bumabalik lahat sa akin ng 'yung sakit na binabaliwala ko. He's my first love at ang akala kong last love ko na rin. Ang hirap kasing mag-expect dahil parang sigurado pero hindi pala.

"I don't want this topic, Amara..."

She chuckled. "So, mahal mo pa rin kaya ka affected?" tumitig siya sa akin kaya suminghap ako.

"Oo nga, anak. Sayang kayo ni Leyton, you guys are a nice couple pa naman..." singit ni Mommy na kakababa lang ng kaniyang baso, kakatapos lang uminom.

Ramdam ko ang paninitig ni Xarius. Why they are dragging this topic all of a sudden? Mas gusto ko ng wala sa usapan kaysa ito ang pag-uusapan namin, it makes me uncomfortable.

"We are done and hindi na nga kami nag-uusap... I think may girlfriend na siya ulit..." hindi ko alam kung bakit pumait ang tono ng boses ko.

I excused myself para pumunta sa mag-cr. Bago ako maka-alis sa table ay narinig ko ang mahinang pagtawa ni Amara pero binaliwala ko 'yon.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Where stories live. Discover now