Kabanata 23

58.3K 2K 1.1K
                                    


Epitome

"Syd!" rinig ko ang boses ni Leyton mula sa aking likuran.

Nakayuko ako habang pinupunasan ang mga aking mga luhang pilit kong inuunahan. Malabo ang aking paningin at halos manghina ang mga tuhod ko.

Naramdaman ko na lang ang kamay ni Leyton sa aking braso nang napa-upo na ako. Hinimas niya 'yon at pilit akong pinapatahan.

I don't regret trying. I regret that I loved them. Sobrang nakakapagod subukin lahat ng makakaya ko para lang makabawi sa kanila pero mas nakita nila 'yung kakaonting halaga ko kaysa 'yung mga ginagawa ko para sa kanila.

I am really done trying. I want things to work out pero bakit hindi ko alam kung sinisisi nila ako. Ako ba talaga 'yung may kasalanan kung bakit naging magulo ang pamilya nila?

Am I really that not enough to be appreciated? Bakit palagi na lang akong hindi nakikita? All I want to feel is to be appreciated. Hindi ako nagde-demand na bilhan nila ako ng kung anu-ano o kahit na ano! Gusto ko lang maramdaman 'yung pagiging magulang nila kahit minsan lang.

God knows how hard I tried to make them feel proud of me pero bakit gano'n? Palaging ako 'yung mali? Palaging ako 'yung pangit at panira sa mga success nila?

"Hey, come on..." Leyton hugged me nang nakatayo kami.

Inalalayan niya ako papasok sa kotse at iyak lang ako nang iyak habang tinitingnan ang mga kamay kong nanginginig sa pagod. Sa pagod na kahit anong gawin ko ay hinding-hindi ako makikita ng mga tinuring kong mga magulang.

I wasn't adopted. Napulot lang pala ako sa labas ng gate, sobrang fucked up pala ng buhay ko. Simula kapagka bata ko hanggang sa paglaki ko, I was never appreciated and loved by the people I love the most.

Para sa kanila ay isa lang akong panira. Minsan iniisip ko tuloy kung ano kayang tingin sa akin nina Daddy? Nakakaawa ba talaga ako?

I was too attached with Rius kaya nadamay na siya sa problema ko. I was busy trying to repay my parents kaya nasira ko rin sila at gano'n din ang nangyari sa mga kaibigan ko. Even Leyton, naging mag kaaway sila ng parents niya dahil sa akin.

I was destroying everything. Hindi ko alam na ako pala 'yung problema. I was too insensitive. Nadamay lahat ng tao sa paligid ko dahil simula kapagka panganak ko, panira na ako sa buhay ng mga tao sa paligid ko.

Sydney James is fucked up. Siguro nga, hindi ko 'to deserve lahat and nakikisali lang ako sa lahat kaya pakiramdam ko ay kasali ako pero ang totoo ay hindi. Kalaunan, sa sobrang pagta-try hard to fit in ko nasira ko na pala sila.

Ano kayang mangyayari sa akin kung walang taong nakapaligid sa akin? Siguro mas maganda 'yon. Walang madadamay sa ka-fucked up-an ng buhay ko. Well, all along, I thought Amara was playing the pity party card... ako pala.

My feelings are valid pero I shouldn't have used it para sa benefit ko. Nanatili si Xarius sa akin kasi nakikita niya rin na kawawa ako. I shouldn't have brought Xarius up in this.

He's busy with his happy life pero nasisira na rin ang relasyon niya sa Wantirano dahil sa akin.

Ang pangit ng buhay ko sa totoo lang pero at the same time, gusto ko pa rin mabuhay.

I want to strive hard for myself. Gusto ko sarili ko na lang. Gagawin ko na lang 'yung best ko para sa sarili ko. Siguro naging abala na rin ako sa pagtingin sa ibang tao at nakakalimutan ko na rin pala 'yung sarili ko.

"May gusto ka bang puntahan o gusto mo ng umuwi?" rinig ko ang malambing na boses ni Leyton.

Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Gusto ko tawagan sina Sally pero baka may ginagawa sila.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Where stories live. Discover now