Kabanata 52

57.9K 1.7K 1K
                                    




Naglakad

Hindi ko alam kung anong mararamdaman habang nakatingin kay Amara. She's smiling like a kid pero hindi ko alam if she's glad that she saw me or not. But I can't judge her easily naman without anything in-hand.

"You look great..." tiningnan niya ang suot ko.

Sinabayan ko ang papuri niya. "Ano ka ba? Alam mo na kailangan maganda pa rin..." sabi ko kahit I feel awkward.

Tiningnan ko si Irene na naglakad na papasok ng CR dahil kilala niya si Amara. Alam niya ang mga ginawa ni Amara sa akin noon. Pero I can never deny that Amara was my sister and I kind of loved her before.

"Sure you are... hindi ko naman inakalang dito pa kita makikita." She chuckled elegantly.

She's wearing a v-neck black lace dress habang nakapusod ang kaniyang straight na straight na buhok. Her red lipstick made her lips better at maganda rin ang pagkaka-make up niya sa sarili niya. She's still pretty.

"Nagulat nga rin ako... but bago ang lahat ay pwede mag-CR muna ako?" I laughed.

She chuckled once again. "Oh, sorry! Sige, mag-CR din naman ako."

Dumiretso na ako agad sa isang cubicle habang pilit na kinakalma ang isip ko. Anong gagawin ko kapag labas ko rito? O paano ako lalabas dito sa CR nang hindi siya kasama?

I mean, magmumukha akong bitter sa buhay kapag parang may hinanakit pa rin ako sa kaniya. Which is wala naman na, inaatake lang ako minsan ng isip ko kaya nakakapag-isip ako ng kung anu-ano.

Paglabas ko ng cubicle ay nadatnan ko siyang nag-reretouch ng kaniyang lipstick. Nang nagtama ang mga mata namin mula sa kaniyang repleksyon ay ngumiti siya kaagad kaya gano'n na lang din ang ginawa ko.

Sinamahan ko siya sa sink at naghugas din ako ng kamay. Napatingin ako sa salamin at mula ro'n ay nakita kong kakalabas lang ni Irene sa cubicle.

"Naka-check in ka ba rito?" tanong ni Amara at nilingon ako matapos mag-apply ng kaniyang lipstick.

"Yeah, tomorrow is my birthday." I smiled.

"I know that. We always celebrate your birthday kasabay ng pasko with Daddy and Mommy..." aniya at nilikpit na sa kaniyang pouch ang lipstick.

Ngumuso ako at tiningnan ang itsura ko sa salamin. Hindi ko pa naman kailangan mag-retouch kaya nilingon ko na si Irene para senyasan siyang maglakad na.

"Oh, kumusta na pala sila?" I asked.

She sighed at naglakad na papalabas ng CR kaya sumunod kami ni Irene sa kaniya. Hindi ko alam kung ipapakilala ko ba si Irene or hindi na.

Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako. "They died, Sydney."

Natigilan ako kasabay ng pagtayo ng mga balahibo ko.

"What?" gulat na gulat kong tanong.

She smiled bitterly. "They died 6 years ago, Sydney. A year after you left, Mom is diagnosed with breast cancer habang si Daddy ay maayos naman ang kalagayan. Ang masama ro'n ay naaksidente sila parehas and I am all by myself now."

I bit my lower lip. Bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot para kay Amara. For almost 7 years of her life ay wala na pala sina Mommy. Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko.

"I'm sorry... I didn't know."

She chuckled. "It's okay..." aniya at napatingin kay Irene.

"Ay! Kapatid ko nga pala, si Irene. Irene si Ate Amara," sabi ko.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Where stories live. Discover now