Kabanata 49

77.8K 2.2K 1.8K
                                    




[Warning: Mature scenes ahead]

Bed

Alas singko pa lang ay naghahanda na kami ni Seig para ro'n sa lakad namin kasama si Rius. Akala niya male-late kami? Sana handa na ang mukha niya para sa malupitang suntok mula sa akin.

Napangisi ako habang naglalagay ng mga pagkain sa bag. Si Seig ay abala lang din sa pagtulong sa akin sa kung anuman ang maari niyang maitulong.

"Why did we wake up early, mommy? Are we going to leave at 6?" seryosong tanong ni Seig habang pinapanood akong nakatayo at nagpa-pack.

I chuckled. "No, baby. We will be leaving at 8. Mas magandang maaga para hindi tayo ma-late. Gusto mo ba na paghintayin si Papa mo?" I raised my brows.

Umiling siya at biglang natawa. "I just can't believe it. Kilala ko na po ang papa ko ngayon and we are spending this day together."

Napangiti ako at bahagyang napasinghap. Now that Seig knows, at least makakapag-take time ako para masabi kay Rius. Ang mahalaga muna ngayon ay maging maayos ang sitwasyon namin ni Rius at magkaroon sila ng time ni Seig ngayon.

I am kind of excited about it dahil ito 'yung unang beses na magkakasama ang mag-ama ko. Parang umaapaw 'yung puso ko sa tuwa para kay Seig at para na rin kay Rius.

"Pero kailan niyo po sasabihin kay Papa?"

I smiled. "I will tell him sooner. Wala na rin akong balak patagalin pa."

Alam kong gusto na ni Seig mas makasama si Rius. 'Yung tipong buo na silang dalawa dahil alam na nila. Kaya sa hindi malamang oras at araw ay sasabihin ko na rink ay Rius ang tungkol dito. If he needs explanation why did I hide our son from him, then I will explain everything to him. He deserves it anyway.

Bago mag-alas siyete ay tapos natapos na kami ni Seig maghanda para sa sarili namin at handa na rin ang mga damit namin na maaring gamitin namin. Baka mamaya ay magustuhan mag-swimming ni Seig sa falls.

"Ang aga naman ng alis niyo? Ano 'yan outing?" sabi ni Tyler kaya inirapan ko siya.

Nakitawa naman sina Papa na nakaupo lang sa sofa at nanonood ng TV.

"Alis na po kami..." sabi ko at nagpaalam na rin si Seig sa kanila bago kami tuluyang lumabas para puntahan si Rius na malamang ay wala pa.

Napangiwi ako nang nakita ko si Rius na pinupunasan ang salamin ng BMW niya habang sumisipol. Nang nakita kami ay napangiti agad siya. Umirap ako at kunwaring naiinis kahit gusto ko lang talagang iwasan 'yung mga mata niya. He's just too good-looking...

He's wearing a gray Henley long sleeve shirt na maiging nakayakap sa katawan niya habang sa ibaba niya ay faded jeans na bagay na bagay sa kaniya. Nakasuot naman siya ng brown leather sneakers. While his hair is disheveled at tinatangay pa ng malamig na simoy ng hangin.

"Good morning!" bati niya nang nakalapit na kami sa kaniya.

"Good morning po," pagbati rin ni Seig kaya hinipo ni Rius ang ulo nito.

Nakangiwi ako sa kaniya. "Wala pang 8 kaya ako ang nanalo..." sabi ko kaya natawa siya.

"Sige suntukan tayo mamaya..." aniya kaya natawa si Seig.

Nginisian niya ako bago lumapit sa akin para tulungan ako sa mga dala ko. Bago siya dumiretso sa likod ng kotse niya ay may binulong muna siya sa akin.

"You look beautiful in that white dress..."

Nakasuot kasi ako ng midi lace white dress at peach sandals. Hinayaan ko lang na nakalugay ang wavy kong buhok.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Where stories live. Discover now