Kabanata 43

56.9K 2K 1.3K
                                    


Nakaraan

Nagpanggap akong abala sa pagpili ng kung anong sweets dahil hindi ako sigurado kung lilingon ba ako sa gawi ni Andres at no'ng kausap niya o kung ano na lang maisip kong escape plan.

"So, where's Lyndon?"

Natigilan ako nang narinig ko ang boses ni Rius. Wow, sobrang swerte ko talaga ngayon... hindi ko na matantya kung gaano ako ka swerte ngayong araw. Nanatili lang akong nakatayo sa gilid at maliwanag kong naririnig ang pinag-uusapan nila.

"Hindi siya sumama rito, ikaw lang naman daw kikitain..." Andres chuckled.

Sana hindi sabihin ni Andres na nakita niya ako dahil pakiramdam ko handa na akong magpakain sa lupa kung gano'n ang mangyayari. Sinuot ko na ulit ang mask ko atsaka nag-iisip kung paano ako aalis dito na hindi nila ako nakikita.

"Gago talaga 'yon, tumigil siya sa pagbabanda 'di ba?" ani Rius.

Muntik na akong mapatalon nang biglang may brasong sumulpot sa harapan ko at kumuha ng isang balot ng cheese bread. Saglit ko siyang nilingon at nakita kong it was the girl na kasama ni Rius kanina pa kaya kaagad akong umiwas ng tingin.

Mukha tuloy akong stalker dahil kanina pa niya ako nakikita. Well, nasa iisang mall kami so may tendencies talagang makita ko sila ulit pero para sa akin ay sobrang weird na nasakto pa na rito rin sila nagkita ni Andres. Sa Alberta pa talaga sila nagawi?

"Miss Sydney?"

Oh no... hindi ako makagalaw nang narinig kong tinatawag ng staff 'yung pangalan ko. Nasa likuran ko lang sina Rius. Andres knows that I am here and natatakot akong baka mamaya ay ituro niya ako bigla or tawagin. That would be the end of the world for me.

Humarap ako at kunwaring binabasa ang content ng strawberry pie kahit ilang beses ko na ata siyang nabasa since no'ng nakatayo ako sa pwesto ko kanina. Hindi ko sila nililingon, kept my straight face and walked innocently towards to the counter.

Hindi naman ako mahahalata ni Andres na iniiwasan ko si Rius dahil hindi ko naman alam na kasama niya si Rius although I saw in my peripheral vision na tiningnan ako ni Andres at ang hindi ko lang sigurado kung tiningnan din ba ako ni Rius.

"Sydney!" nanlaki ang mga mata ko nang narinig ko ang pagtawag ni Andres.

Nginitian ko 'yung staff na nag-serve sa akin no'ng order ko at kaagad na umalis do'n. Kunwari na lang ay hindi ko siya narinig dahil may iniisip ako at marami rin tao.

Ang kinakatakot ko lang ay baka alam na ni Rius na I am here in Alberta but may kalahating parte sa akin na he won't bother dahil he's not into me anymore.

Kapagkalabas ko ng shop ay mabilis ang lakad ko papalabas para makaalis na kaagad do'n. Baka bukas ko na lang bilhin 'yung hindi ko pa nabibili o utusan ko na lang si Kris since ando'n naman siya sa bahay. Natatakot na ako dahil pakiramdam ko kapag nanatili pa ako ro'n sa mall na 'yon ay paulit-ulit ko lang silang makakasalubong.

Habang nasa kotse ako ay mabigat ang paghinga ko dahil sa kaba. I am more than curious kung bakit nandito si Rius, ano na bang pinagkakaabalahan niya ngayon. I shook my head para maalis 'yon sa isipan ko. It's not that he did something awful to me, it's just... I can't waste my time being curious about him. I need to focus on what I have to do, hindi na katulad ng dati ang buhay ko. Marami nang nagbago and I also have to adjust.

Nang makarating ako sa bahay ay mukhang tapos na sila sa hapagkainan pero naiwan do'n sina Kris para iligpit ang mga pinagkainan.

"Ginising ni Tyler si Seig, ate..." bungad sa akin ni Kris kaya wala sa oras na kumunot ang noo ko at handa na akong manapak.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Where stories live. Discover now