Kabanata 13

76K 2.3K 2.3K
                                    




Neglected

"Bago mong boyfriend?" Amara said habang nakangisi sa akin.

Napatingin ako kay Xarius na nakatitig sa akin at mukhang hinihintay rin ang aking sagot. I chuckle para mawala 'yung mabigat na vibe sa hangin.

"No, he's just my client. Ikaw bakit kayo magkasama?" sabi ko at ngumiti para mag mukhang casual lang ang pag-uusap namin.

"Why do you care, we are lover--." Xarius immediately cut her off.

"Para sa runaway, Syd..." he smiled kaya ngitian ko siya pabalik atsaka bahagyang tumango.

Amara walked out at dumiretso sa locker room habang si Xarius ay muling binigyan ng isang tingin si Tyler atsaka ito nginitian. He's so friendly... pero kanina ay matalim ang tingin niya kay Tyler.

"Bihis lang ako..." mahina siyang tumawa atsaka kami tinanguan bago pumunta sa locker room.

Naiwan kami ni Tyler do'n na hindi makahinga, it's just nakakagulat. Parang kahapon ay pinag-uusapan lang namin silang dalawa tapos sabay pa namin silang makikita na magkasama.

"Well, that is awkward as fuck." Natawa na lang siya bago kami naglakad papaalis do'n para na rin makapagsimula na.

Nagsimula ako sa thread mill at gano'n din si Tyler. Naka airpods si Tyler kaya hindi na ako nag-abala na kausapin siya since mas nakakahingal nga naman tumakbo kapag nagsasalita.

Nakatitig lang ako sa labas at pinapanood ang mga sasakyan na dumadaan. Hindi kasi ako mahilig makinig ng music kapag nag-gygym. Napatingin ako sa gilid ko nang narinig kong may nagsalita ro'n.

"Uy, hello..." si Xarius, mag-thread mill din ata.

Napatingin ako kay Amara na pumunta rin sa katabing thread mill kung nasaan si Xarius. Sinamaan niya ako ng titig nang nakita si Xarius na nakatingin sa akin habang nakangiti.

"Hi..." tipid kong sagot at nginitian din siya.

Hindi ko iiwasan si Xarius for her. Siya ang iiwasan ko... I just don't think Xarius deserve to be ignored with his nice vibe. Plus, his words are warm and hinding-hindi ko makakalimutan 'yong pakikinig niya sa akin.

I will treasure that forever at siguro sa tuwing makikita si Xarius ay 'yon lang ang maalala ko. No one listened to me when I needed someone except Sally and Des pero sometimes ay hindi ko na sila dinadamay rito since marami rin naman silang problema kagaya ko.

No one bothered to ask me if I was okay, or nahalata na I am not okay. He's the first one to do that...

"Sexy ka na ah, bakit nag-gygym ka pa?" napatingin muli ako kay Xarius na natumatakbo na rin.

I scoffed at umirap. "Ikaw rin naman ah, malaki na katawan mo tapos nag-gygym ka pa..." ganti ko at umiwas agad ng tingin.

He's looks so fit in his gray round neck shirt. Mukha 'yon maluwag kapag sinuot ng ibang tao pero dahil si Xarius ang may suot nagmukha itong masikip dahil nakayakap itong maigi sa kaniyang katawan.

Narinig ko ang paghalakhak niya. "Miss mo lang ako e..." nahimigan ko ang panunuya sa kaniyang boses.

Napakagat ako sa ibaba kong labi at pinipigilan ko ang aking pag ngiti. Bakit 'yon lang ang sinabi niya nagwawala na kaagad ang kalooban ko? Nilingon ko siyang muli at nahagip ng mga mata ko ang paninitig ni Amara pero I ignored her.

"Baka ikaw ang naka-miss... bumalik ka kaagad dito e..." sabi ko at natawa.

Nilingon niya ako at ngumisi nang malapad. "S'yempre naman, hindi nga ako nakatulog kagabi dahil babalik nga pala ako rito... makikita kita ulit..." aniya at hindi ko na napigilan ang pag ngiti ko.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Where stories live. Discover now