Kabanata 3

94K 3.4K 3.4K
                                    




Tama

Tahimik na ulit ako sa biyahe dahil hindi ko siya magawang tingnan. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi niya, if I will feel the butterflies in my stomach or I will be confuse.

I am not sure kung ano ba ang mayroon sa kanila ng kapatid ko and I don't know if I will entertain him. I'm not also interested on having a boyfriend as of now, I am contented naman sa kung anong mayroon ako kaya hindi ko rin alam.

I sighed. Kung anu-ano nanaman ang iniisip ko, sinabi lang naman niya na interesado siya sa akin. Malay ko ba kung interesado lang pala siya maging friends kami, hindi ako sure pero mas dapat huwag akong assuming.

"You can sleep kung gusto mo..." napalingon ako sa kaniya na sumulyap sa akin at muli rin ibinalik ang mga mata sa daan.

Mapupungay ang mga mata niya. Natulala ako saglit sa kaniya kaya pabalik-balik ang mga mata niya sa akin. Suminghap ako at umiwas ng tingin, why do I keep on thinking about what he have said a while ago? Kakakilala ko lang sa kaniya and I admit na I'm attracted pero hindi ko alam kung gusto ko ba siya or what.

"Kausapin mo lang ako kung gusto mo ng kausap..." ngumuso ako nang sabihin niya 'yon pero hindi ko na siya nilingon.

Para matigil ang pag-iisip ko ay nagpasyahan ko na lang na matulog kaysa mag-isip or kausapin siya. Natulala lang ako sa labas habang nakasandal sa head rest bago unti-unting nakatulog.

"Gising na tol, andito na tayo tol..." 

Napamulat ako nang nakaramdam ako ng pag-alog sa aking braso. Napangiwi ako nang nakita ko si Xarius na nakangisi habang nakatapat sa akin ang kaniyang phone. I immediately covered my face dahil hindi ko alam kung mukha akong bangag do'n or what.

Humalakhak siya at mukhang ini-stop na ang pag-vivideo. Tiningnan niya ang vinideo niya at ako naman ay nakatitig sa kaniya ng masama.

"Tsk, lugi ako ro'n ah... ganda pa rin kahit tulog..." aniya at umiling-iling.

Umirap ako at tiningnan ang sarili ko sa aking phone. I looked okay naman bukod sa mukha nga akong bagong gising. Tiningnan ko si Xarius na nakanguso at nilagay sa kaniyang bulsa ang phone.

"Tara na, miss beautiful..." humalakhak siya kaagad nang nakita ang reaction ko.

Napangiwi ako dahil ginaya niya 'yung tono ng mga manyakis na lalaki sa kanto. I mean what's wrong with this guy? Nababaliw nanaman siya. Umiling ako at kinuha ang bag ko atsaka lumabas.

Napatingin ako sa kamay niyang humawak sa aking palapulsuhan para alalayan ako pababa. Inirapan ko siya habang siya ay malapad ang ngisi. Tiningnan ko kung nasaan na kami...

So this is La Grandeza. Napapikit ako nang umihip ang malakas na hangin, my god... it's so refreshing here. Parang ang sarap manatili rito ng ilang taon para makapag-reset ng iniisip or makapag pahinga.

"Ganda rito noh? Mahal na mahal 'to ni Mama pati ni Daddy. Kaya habang lumalaki ako ay natutunan ko na rin mahalin ang lugar na 'to..."

Napatingin ako kay Xarius na maamong nakangiti habang nakatingin sa magandang tanawin na makikita mula sa gate ng Bellevue. Nagtama ang mga mata namin atsaka mas lumapad ang ngiti niya.

"Yeah, it's beautiful..." sabi ko.

I flinched nang naramdaman kong hinawakan niya ang pisngi ko. Napatingin siya sa labi ko at muling ibinalik sa mga mata ko.

"Tambok ng pisngi mo..." he chuckle kaya napa-irap ako. "Ang cute..."

Tinabig ko ang kamay niya. "Excuse me? Hindi ako chubby para magkaroon ng matambok na pisngi! I'm glamour, print, promotional and editorial model..." I rolled my eyes.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Where stories live. Discover now