Kabanata 41

56.1K 1.8K 1K
                                    




Don't know

Hindi mo maaring husgahan ang isang bagay na hindi mo pa nararanasan.

Mataman ang ihip ng hangin mula sa himpapawid habang nakaupo ako sa ilalim ng mga ulap. Nakatingala ako at umiiyak... pagod na ako.

Buong buhay ko hindi ko na alam kung saan pa ba ako lulugar. Parang lahat na lang ng bagay na mayroon ako ay magulo. Gusto ko lang naman maging masaya at maramdaman na kahit minsan may halaga rin pala ako.

Sinubukan ko na lahat ng paraan para magawa 'yon pero lahat pumapalya.

Maybe they are not the problem... maybe I am. Baka nga sa dulo ng daan, akala ko binubuo ko ang sarili ko... pero akala ko lang pala.

Siguro ang sa tingin ko na lang na gagawin ko ay mawala sa buhay nila. To fully cut ties with any of them. To save my mental health... kasi kahit ako hindi ko na rin alam kung ano bang dapat kong gawin.

I listened to their advices, I trust my instinct and I took time to think for those decisions. Pero bakit nauwi lahat sa ganito? Bakit mali pa rin lahat? Ano bang dapat kong gawin?

Napapikit ako nang mariin habang pumapagaspas sa kawalan ang malamig na simoy ng hangin at tila bawat hampas nito sa aking balat ay nagbibigay ng kadamay sa dinarama ko ngayon.

"Ang mahalaga ay hindi ka sumuko, Sydney..."

Ngayong may dinadala na akong bata mas lalong hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Lahat na ng maaring choice na piliin ko ay naubos na at ang tuluyang pag-alis na lang ang hindi ko pa nagagawa.

Ayaw kong magpaalam kahit isa sa kanila dahil alam kong kapag nakita ko sila... hindi ko na alam kung kaya ko pang umalis. Aalis naman kasi ako hindi dahil ito 'yung gusto ko... pipiliin ko 'to kasi ito na lang 'yung kaya kong piliin.

Sobrang gulo. Hindi ko na maiayos sa isipan ko kung paano ko pa ito iisipin isa-isa dahil sa sobrang gulo. Ayaw ko nang manatili, ayaw ko na munang lumaban.

I am not leaving Rius to hurt him. Pain is inevitable and so no matter what we do, we could always hurt someone. Deciding for a change could also cost us a lot and this is the cost I have to pay. I have to leave them for this is the only choice I can pick.

Pagod na ako. Pagod na rin sila. Bakit hindi na lang tapusin ang ugnayan para sa malalang pagpapahinga?

Hindi ko pa rin naman maiaalis ang pagmamahal ko kay Rius lalo na at siya ang ama ng anak ko. I can't move on from him dahil he changed a lot of things about me at isa siya sa mga blessings na natanggap ko.

Kung hindi kami ang nakatakda para sa isa't isa... habambuhay kong aalahanin na may isang lalaking walang sawa akong pinangiti, sinuportahan, minahal nang lubusan, iningatan at binago ang pananaw ko sa buhay. Kung may matatawag man akong ideal man sa mundo, I will definitely say it is Xarius Zedion Del Monfrio.

Alas dose ng madaling araw ay marahan akong naglalakad sa hallway papunta sa kwarto ni Rius. Kung hindi ko kayang magpaalam, mas lalong hindi ko kayang hindi makita si Rius kahit sa huling sulyap man lamang.

Huminga ako nang malalim kapagkarating ko sa tapat ng kwarto ni Rius. Mula sa labas ay nakikita ko siyang mahimbing pa rin ang tulog. Tatlong araw pa lang ang nakakalipas simula no'ng mangyari ang lahat ng 'yon.

No'ng nalaman kong buntis ako kay Rius. No'ng namatay ang anak ni Amara. No'ng nalaman kong gusto ako ipapatay ng mga magulang ni Leyton at ang lalaking mahal ko ay nananatili pa ring tulog. Kahit sino ang makaranas ng nararanasan ko ngayon, hindi na rin siguro alam kung anong gagawin.

As I slide the door slowly it created a soft sound that made this scene much dramatic. Humugot ako ng malalim na hininga bago naglakad papasok.

Mabuti na lang at walang nagbabantay sa kaniya. Makakapag paalam ako nang maayos kay Rius.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Where stories live. Discover now