Kabanata 1

131K 3.2K 2.9K
                                    




Man

My eyes stayed at him while explaining to us his proposal. Ni-hindi tumatama ang mga mata niya sa ibang mga tao na andito sa meeting room, his eyes are in the power point and at me.

My mom got a few questions about the proposal, "May I ask Engineer Del Monfrio, how much will this cost?"

"Well, my dad is trying to build a resort, villas, rest house plus the merchandisers." Saglit lang tumigil ang mga mata niya kay Mommy at muling bumalik sa akin.

I don't know kung naiihi ako dahil uminom ako ng tubig o dahil sa paninitig nitong lalaking 'to. He looks so damn fine by just standing in front of us and the way he speaks is just too captivating. My god Sydney! Lahat na lang ba ng gagawin niya gwapo sa paningin mo?

"Most probably ay almost a billion," he said then smiled.

Natapos ang meeting at may mga susunod pang meeting but I don't know when dahil sila Mommy and that guy ang nag-usap tungkol do'n.

"Sweetie, I'm going na muna... I will have a lunch with your father..." she smiled then gave me a kiss on my cheek.

Ni-hindi na niya ako hinayaan makapagsalita dahil dali-dali siyang umalis mula sa meeting room. Napalunok ako nang naramdaman ko ang mainit na paninitig ng lalaking 'to.

Nagsialisan na ang mga kasama niya at siya ay kunwaring abala sa pagliligpit ng kaniyang laptop kaya I stood up from my swivel chair atsaka siya binalingan. Nadatnan ko siyang iniikot ang cable ng charger ng kaniyang laptop habang nakangisi sa akin.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko. My god, ano bang pangit na ginagawa nitong lalaking 'to? Nag-iikot lang siya ng cable pero bakit ang hot niya pa rin? Hindi ko alam kung bakit nangangatog ang mga binti ko at pakiramdam ko ay mapapaupo ulit ako.

"Hindi ka naman kinakabahan?" aniya sa mapaglarong tono habang nananatiling nakangisi.

Napakurap ako nang ilang beses bago nakapagsalita, my god this guy!

"I will be going Mr. Del Monfrio, have a nice lunch..." tipid akong ngumiti at akmang maglalakad na nang bigla ulit siyang nagsalita.

"Paano magiging nice ang lunch ko kung hindi ikaw ang kasama ko?" I looked at him and he raised his brow while still smirking.

Nilagay niya sa bag niya ang kaniyang laptop kasama ang charger. Nagpanggap akong casual kahit nagwawala na ang puso ko sa kaba at sa sobrang gwapo pa nitong lalaking 'to.

"I'm not your lunch kaya malamang mag-eenjoy ka sa lunch mo..." I smiled kaya mas lalong makahulugan ang kaniyang ngisi.

"Maybe we can do something about that..." he walks towards me habang nakasukbit sa kaniyang balikat ang black shoulder bag. Napalayo ako nang inilapit niya ang mukha niya sa akin.

I flinched nang idantay niya ang kaniyang kamay sa lamesa para mas makalapit ang mukha niya sa akin. "Maybe you can be my lunch then, if you suggest that..." hindi mai-alis sa mapula niyang labi ang ngisi.

He's too close, I can't move! My god, I think malalagutan na ako ng hininga rito dahil sa sobrang pagpipigil kong hindi mangatog.

Humalakhak siya bigla at tumayo nang tuwid kaya napakunot ang noo ko.

"Joke lang! Baka mamaya isumpa mo ako, tara lunch?" he casually said kaya mas lalo akong nagtaka na parang close kami.

Siraulo ba 'tong lalaking 'to? Bipolar?

"Hambalusin kaya kita? After you put a hard tension in the air then you will suddenly be casual?" masungit kong sabi habang nakataas ang kilay.

Nawala ang kung anong tensyon sa mukha niya pero nanatili ang kagwapuhan niya. Umigting ang panga niya atsaka humalakhak.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Where stories live. Discover now