Kabanata 38

54.5K 1.6K 317
                                    


Case

Nakatayo ang mga balahibo ko sa katawan habang hindi makagalaw. Ang tahimik kong pag-iyak ay unti-unting naging hagulgol. Napatakip ako sa aking bibig at tiningnan ang kotseng papalapit sa akin na ngayo'y nakatigil na at ang mga taong nasa loob no'n ay lumabas.

Nakita kong hinabol no'ng isang lalaking nakasakay rin sa loob ng kotse 'yung sumaksak kay Rius matapos itong tumakbo nang nasaksak na niya si Rius.

Lumapit sa akin 'yung babaeng hindi ko malaman kung anong itsura dahil sa umaapaw na mga luha sa mga mata ko.

"Miss, nasaktan ka ba?" tanong niya pero kaagad akong umiling at iginiya niya ako papalapit kay Rius dahil nanginginig ang buong katawan ko.

"Buksan mo 'yung pinto sa backseat! Dalhin natin siya sa ospital!" sigaw no'ng lalaking tinitingnan kung buhay pa si Rius.

Nang nakita ko ang kalagayan ni Rius habang nakahandusay sa sahig at nakapikit na ay ilang libong beses kumirot ang dibdib ko. Hindi ko na makaya 'yung bigat ng dibdib ko.

"Paano si Set?" tanong no'ng babae ro'n sa sumigaw kanina.

"Mahahabol niya 'yon, ang mahalaga madala natin 'to sa ospital..." ani no'ng lalaki atsaka pilit sinasampa si Rius sa likuran niya.

Nakatayo lang ako at hindi makagalaw. Gusto kong gisingin 'yung sarili ko na isa lang itong panaginip, na kakain pa kami ni Rius sa rooftop... na magtatawanan pa kami.

I flinched when I felt a hand on my arm at nang lingunin ko 'yun ay 'yung babae lang pala kanina.

"Sumama ka po sa ospital..."

Pinaupo niya sa likuran kasama ni Rius habang silang dalawa ay nasa front seat. Humagulgol pa rin ako habang nakahiga ang ulo ni Rius sa akin.

Tinititigan ko siyang nakapikit at hinihiling na bumukas na ang mga mata niya. Napapikit ako nang mariin at hindi pa rin makalma ang buong katawan ko. Natatakot ako...

Inabot ko ang kamay ni Rius na malamig na ngayon. Pinagsalikop ko ang mga daliri namin. Nadikitan na ng dugo ang kamay ko na nagmula sa kaniyang kamay.

"Rius..." I whispered while crying so hard.

"Putangina, traffic pa!" nagulat ako nang sumigaw 'yung lalaking nagda-drive atsaka hinampas 'yung manibela.

I bit my lower lip at muling ibinalik ang tingin ko kay Rius. Makikita pa naman kitang nakangiti 'di ba? Gigising ka pa 'di ba, Rius? Hindi ko mabilang kung ilang saksak ang natamo ni Rius pero please... gigising ka. Magigising ka.

"Please... mababaliw ako, Rius..."

Ilang minuto pa ang nakalipas bago pa kami nakarating sa ospital. Halos magsisisigaw 'yung lalaking nag-drive sa loob na may nasaksak kaming kasama.

Mabilis ang pagkilos ng mga nurse at gano'n din ang proseso ng pagdala kay Rius sa emergency room.

Pinapanood ko lang silang dinala si Rius papasok ng emergency room. Hindi ko na siya kayang makitang nasa gano'ng kalagayaan. Mas matatakot ako, mas manghihina ako.

Umupo ako sa pinaka malapit na upuan sa akin at kaagad tamang tumabi sa akin 'yung dalawa.

"Hinabol ng kasama namin 'yung sumaksak sa kaniya. He will recover at magbabayad ang may sala..." nilingon ko 'yung babae na ngayo'y nakahawak sa braso ko.

"Salamat... maraming salamat..." pumiyok na ako at mas humagulgol pa.

Isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya at sinusubukan akong pakalmahin dahil nanginginig pa rin ako. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at pilit din ako pinapatahan.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon