Kabanata 11

79.6K 2.2K 1.8K
                                    


Maybe

Nakatitig ako sa mga mata ni Xarius. I can't stop myself from staring at his chocolate eyes. It's so deep and fascinating. Para akong naaalo at nakakalimutan ko lahat ng lungkot sa dibdib ko.

"I love traveling though kaya 'yon lagi ang madalas naming ginagawa ni Leyton dati, pero sa tuwing naalala ko lahat 'yon, parang gusto ko na lang kalimutan lahat..." bahagya akong ngumuso at tumingin sa kisame.

Nakayakap lang siya sa akin habang nakikinig sa mga kwento ko. Nakasubsob ang kaniyang mukha banda sa aking braso at ramdam ko pa ang bahagyang pagkuskos niya ng kaniyang ilong do'n.

Mapupungay na rin ang mga mata niya at hindi na rin nagsasalita. He's just nodding at nakatitig sa akin kahit kung minsan ay umiiwas ako ng tingin. Ang dami ko ng nakwento sa kaniya and it feels good talking about the things that bothers me a lot.

Gumagaan lahat dahil nailalabas. Parang kapag naalala ko 'to lahat ay unti-unti ko ng makakalimutan 'yung emosyon ko no'ng nararanasan ko 'yon. I am just grateful and happy that I have Xarius now.

"Ikaw ba mahilig ka rin mag-travel?" nanatili pa rin ang mga mata ko sa kisame.

"Hmmm." Umirap ako nang narinig ko ang sagot niya.

Nang tingnan ko siya ay nakapikit na siya. Napatitig ako sa mukha niya. I sighed out of lovely feeling inside my heart. I don't the reason why Amara cheated on him, he's a great guy. He can cook and a responsible person.

Bukod sa mga katangian niyang gano'n, wala na akong mai-rereklamo sa mukha niya. He's really drop-dead handsome... sobrang saya niya kausap kahit minsan nakakainis and he can take care of you. He's so soft pero may times na sobrang kakalabog 'yung dibdib ko dahil sa sobrang init ng kaniyang presensya.

"Ang gwapo mo..." I mouthed at hindi ko namalayan ang aking pag ngisi.

Nagpanggap akong nagku-kwento ulit at tumitig sa kisame para magising siya.

"Ang ganda 'di ba? Sobrang exciting!" sabi ko at nilingon siyang nakadilat na. I bit my lower lip to refrain myself from smiling.

Nagpapanggap siyang nakikinig. Kinunotan ko siya ng noo at nakatitig lang siya sa akin.

"Narinig mo ba?" sabi ko at napangiti na.

Ngumuso siya at tumango. "Oo, maganda nga..." nahimigan ko na ang antok sa boses niya pero he smiled.

"Nakatulog ka na kaya! Kunwari ka pang nakikinig diyan..." I rolled my eyes at mahinang natawa.

Humalakhak siya at nag-unat. "Kwento ka lang, makikinig ako..." aniya at muling bumalik sa pwesto niya kanina.

Umirap ako. "Alam ko na para hindi ka antukin." Nagtaas siya sa akin ng kilay.

Inilapit ko sa kaniya ang mukha ko atsaka siya hinalikan nang mabilis. I kissed him three times at unti-unti siyang ngumisi.

"Iba 'yung ginigising mo sa ginagawa mo..." nahimigan ko sa boses niya ang panunuya kaya umirap ako nang nakuha ko ang ibig niyang sabihin.

Humalakhak siya nang nakita ang reaction ko. "Matulog ka na nga! Kung anu-ano pa ang nagagawa ko dahil pakiramdam ko sobrang close na natin..." I pouted at tumalikod sa kaniya.

He chuckled at naramdaman ko ang kaniyang mainit na yakap mula sa aking likuran. Napapikit ako nang may naramdaman ako banda sa aking baywang na kung anong umbok, this guy! Hindi man lang ilayo!

"Okay, let's sleep then..." I felt his warm breath travel towards my nape.

Tiningnan ko braso niyang nakayakap sa akin. He's too comfortable with me na, I should still take it slow and mukhang mali ang ginawa ko kanina na paghalik sa kaniya. Ngumuso ako at napangiti, I will take this slow pero I am sure that one day maamin ko na sa sarili kong... gusto ko nga siya.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Where stories live. Discover now