Kabanata 34

63.1K 2.4K 1K
                                    




Kasama

"Alam mo, ang sakit isipin na akala mo sigurado ka na pero hindi pa pala..."

Malungkot kong tiningnan si Tyler habang nasa balkonahe kami ng bahay niya at nag-iinuman. Hindi kami naging mapili sa alak ngayon kaya local brands lang ang binili niya.

Alas dose na ng madaling araw at kanina pa kami nandito ni Tyler. Pinaguusapan namin kung gaano kahirap maging malakas para sa sarili.

"Alam mo naisip ko... minsan para mahanap mo 'yung lakas para sa sarili mo, kailangan mong maging malakas para sa ibang tao... parang mga magulang lang..." sabi ko habang nakatitig sa madilim na langit.

"Yeah... kaya balikan mo na si Rius..." sabi niya.

"One dot, babalikan ko na si Rius..." I joked.

Humalakhak siya. "Dot..." aniya atsaka ko siya nilingon.

Sumeryoso ako kaya nagtaas siya ng kilay. "Kidding aside... tinamaan talaga ako sa sinabi ni Tita kanina. Parang gusto ko na lang ayusin 'yung mayroon sa amin ni Rius tapos pakiramdam ko mas maaayos ko 'yung sarili ko sa paraang 'yon... ikaw, ano sa tingin mo?" ngumuso ako at pumangalumbaba.

Nanliit ang mga mata niya habang nag-iisip. "Uhmmm, I think mas magandang balikan mo na siya... kasi parehas lang kayong nahihirapan e..." sabi niya.

"E 'di ba para magkaroon ng process sa sarili ay kailangan dumaan sa uncomfortable way?" mas ngumuso ako habang nakataaas ang kilay.

He chuckled. "Bakit, ang mga halaman ba nag-e-exercise para lumaki sila? Ginagawa rin naman nila 'yung usual way nila to grow..."

Natapos kaming mag-inom ni Tyler ng pasado alas tres ng madaling araw. Walang laman ang topic namin kung hindi ang pagkumbinsi sa akin ni Tyler na balikan ko na si Rius bago pa mahuli ang lahat.

"Mas lalo mo lang sinisira ang sarili mo kung hindi ka magiging totoo sa nararamdaman mo..."

Nakatulala ako sa kisame ng kwarto ni Tyler habang paulit-ulit kong naririnig ang boses ni Tita na sinasabi 'yon. Hinawakan ko ang dibdib ko kung saan mararamdaman ko ang pagtibok ng aking puso.

"Nabubuhay na ba ako sa katotohanan o tinatakasan ko ang katotohanan dahil takot akong malaman na mali pala ang pinaniwalaan kong tama?" I whispered.

I sighed nang naalala ko ang sinabi ni Tyler.

"Tama naman na mahalin mo 'yung sarili mo e... mali lang 'yung paraan. Mali 'yung puso mo tol e... at kapag mali ang puso, mali rin ang kakalabasan. 'Di ba sabi mo nga, live freely..."

Napapikit ako at niyakap ang katabi kong unan. Ramdam ko nga ang bigat ng dibdib ko pero hindi ko alam kung dapat ko ba itong ilabas. Pakiramdam ko kapag mas nanatili pa akong nakakulong sa sarili kong paniniwala at hindi magiging bukas para sa sinasabi ng iba... malulunod ako.

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi. Siguro dahil sa alak at sa mga umaapaw na palaisipan. Mugto ang mga mata ko dahil umiyak din ako kagabi.

Ang bigat kasi ng dibdib ko at hindi ko alam kung paano ko ba tutulungan ang sarili ko. I think I should just really be true to myself...

"Ano, kumusta tulog?" nakangising tanong ni Tyler habang naghahanda ng toast with butter sa lamesa.

Nakasimangot ako at walang buhay siyang tiningnan. "Magiging totoo na ako sa sarili ko, Tyler..."

Napahinto siya at tinaasan ako ng kilay. "So... anong plano mo?"

"Iba talaga 'yung nararamdaman ko kay Rius, mahal ko siya... 'yun ang sinasabi ng puso ko. Should I just give in at bahala na kung anong mangyari at least naging totoo?" I make a guessing face habang nakanguso.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Where stories live. Discover now