Kabanata 46

60.9K 2K 944
                                    




Ibig sabihin

"Mommy, have you already talked about it with Lola?" si Seig habang nakanguso sa akin.

Gano'n pa rin ang eksena ngayong papatulugin ko na siya. Nasa gilid niya ako at nakikinig sa kung anu-anong kwento niya bago siya tuluyang matulog.

I smiled and brushed his hair using my fingers. "I haven't pa e... sobrang gusto mo ba talaga pumunta sa Pilipinas? How about your friends here, hindi ba kayo maglalaro sa pasko?" I asked him.

Tinitigan ko ang nag-iisip niyang mukha na tila'y parang palaisipan ang tinanong ko sa kaniya.

"Uhmm... the truth is I want to meet my father, Mommy. When we were at the restaurant, I keep on hearing the topic about me needing my father. I am kind of curious about him now, what does he look like, or what does he do?" nakatingin lang siya sa akin nang seryoso.

I sighed. I am not afraid of this and Seig being curious about his father. I am much more afraid sa gagawin kong desisyon. Anong mangyayari kapag nalaman na ni Rius na anak niya si Seig? Ano pang maaring mangyari? Dahil sa mga nangyari dati, nagkaroon na ako ng takot sa bawat hakbang na gagawin ko.

I know that I have to deal with any uncomfortable situation for me to grow pero this isn't about me... this is about my son. Natatakot akong atakihin siya ng mga may ayaw sa akin sa Pilipinas or what else could happen if they found out that Seig is Rius' son?

Dammit... I am overthinking again kaya mas lalo akong naguguluhan at natatakot.

"Really, you want to meet him? What would you say to him?"

He chuckled. "Hmm... I would tell him that you've took good care of me and I hope that he courts you so that we could have happy family!"

Natawa ako at umiling. "You should sleep na... tomorrow is Saturday kaya pwede kang maglaro." Hinalikan ko siya sa noo.

He smiled. "Thank you, mommy..."

Tumayo na ako para makalabas na ng kwarto. I know that I can't lie to Seig dahil alam kong alam niya ang nangyayari kahit kulang-kulang pa ang mga nalalaman niya.

Bumaba ako sa dining area kung nasaan nando'n sina Mama, Papa at Tyler. Sinabihan ko si Tyler na kakausapin ko sila mamaya kaya mukhang sinunod naman niya ang sinabi ko.

"Ayan na siya... pinatulog muna ata niya si Seig..." si Tyler.

I smiled and sighed bago umupo sa tabi ni Tyler. I am opening this up to them because they are my parents and I can trust them. Matagal na silang mga magulang at ako ay magpipitong taon pa lang kaya at least I have to hear from them.

"Tungkol saan ba 'to, Sydney?" si Mama.

"This is about Seig's father. Sisimulan ko 'to noong nakita ko siya sa mall. I was really shocked nang nakita ko siya pero hindi ako nagpakita sa kaniya dahil natatakot ako..."

Kinwento ko sa kanila ang nangyari mula no'ng pagpunta ko sa agency ng gustong kumuha sa akin as a model hanggang sa hapunan namin kanina.

"Seig is curious about his father dahil katulad nga ng sinabi ko, napag-uusapan siya kanina. Not knowing na kasama lang namin 'yung pinaguusapan namin..."

"So kaya gusto ni Seig na pumunta ng Pilipinas dahil do'n?" si Papa.

Tumango ako. "Opo, sinabi niya po kanina sa akin na he wants to meet his father. Natatakot po kasi ako kung anong dapat kong gawin... nasabi ko na po sa inyo 'yung nangyari noon and natatakot po ako para kay Seig..." I bit my lower lip.

Mama sighed. "Bilang nanay mo at lola ni Seig. I want him to be happy pero gusto kong dahan-dahanin mo ang proseso papunta ro'n. Hindi 'yung agaran dahil baka maging magulo nga katulad ng sinabi mo..."

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon