Kabanata 12

75.3K 2.2K 1.3K
                                    


Faded

Bakit kaya ako may meeting with that man? Bakit sa akin lang at hindi kasama sina Mommy? Anyway, pupunta na ako sa meeting room para mauna ako sa kaniya, it's almost 10:30AM na rin naman and it is 10:27AM already.

As soon as I reached the 10th floor ay pumunta muna ako sa water dispenser para maka-inom ng tubig. Bahagya akong napa-irap nang maalala ko ang pangalawang beses naming pagkikita ni Xarius.

No'ng natapon ko 'yung tubig dahil sa paninitig ko sa kaniya and he teased me about what I've said that night! Bakit ko ba 'yon sinabi? Hindi ko rin alam kung bakit I tried to flirt with him kahit hindi naman ako marunong.

He's still the same, makulit pa rin siya until now pero tumatak sa akin 'yung banayad niyang boses kagabi. Hindi maalis sa isip ko kung paano niya hinihimas ang buhok ko, kung paano siya tumitig sa akin while I am talking.

It's just he looks at me just like what he said, a precious one. Hindi lang siya puro salita, pinapakita at pinaparamdam niya talaga. I do admire him for that but hindi pa rin naman gano'n kaliwanag sa akin kung saan ba talaga kami tutungo but I will take it slow.

Napangiti ako nang naalala ko nanaman 'yung jokes niyang nakakainis. Napasinghap ako at tinapon sa basurahan ang basong ginamit ko.

Nagtungo agad ako sa meeting room and sinalubong ako ng mainit na hangin. Since pinapatay ang aircon dito kapag hindi naman ginagamit. I turned on the aircon para kapagdating ni Mr. Peter ay malamig na rin.

Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin but we have an appointment so I have to attend this.

When I was about to organize my swivel chair ay napatingin na ako sa double doors ng meeting room and then I saw him. He let me took a glance on his sweet smile when he entered the room.

He's wearing simple sky blue long sleeve polo and it was folded up to his elbows. It was tacked-in on a black trouser along with his pointed black shoes. His foreign look seems so familiar to me, I think I've seen him before... those blue eyes.

"Hi! Good morning," he greeted me and so I smiled back.

"Good morning, Mr. Peter." Sabay kaming naglakad papunta sa isa't isa para makapag kamayan.

Kumunot ang noo ko nang mas nasilayan ko siya sa malapitan. He looks really familiar and the way he smiles at me is just too friendly as well, na para bang magkakilala na kami.

"You should call me Tyler, Sydney..." he chuckled.

"I really think I met you before, promise." Mas tinitigan ko pa siya and he's just smirking.

Mukhang nag-eenjoy siyang mahirapan ako kakaisip kung saan ko siya nakita. He crossed his arms and gave me a playful smirk. Suminghap ako at tinuro-turo pa siya dahil I am really sure that I met him before.

"Clue naman diyan, hindi ko talaga maalala..." sabi ko kaya mahina siyang natawa.

"We've met sa Bellevue, silly..." he chuckled once more.

"Right! Oo, we met there..." sinabayan ko ang pagtawa niya.

He cleared his throat. "So, shall we start the meeting?" he smiled.

Tumango naman ako at tinuro 'yung upuan sa tabi ko. Since magkakilala naman na kami, I don't think we should really be formal... I guess? Hindi rin naman siya umapila sa tinuro kong upuan and so he sat there.

Nagsimula na rin lumamig at sakto lang din dahil hindi siya maiinitan. Magkaharap ang swivel chair namin habang nagsasalita siya.

"So, I built a coffee shop here in Manila and I don't really know how to design. I just know how to construct so I just hired someone to build it." Tumango ako.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Where stories live. Discover now