Kabanata 53

52.2K 1.5K 988
                                    


No

I don't know where Amara got the audacity to go back sa Yakimix. Ang kapal ng mukha niyang pagbintangan ako at tawagin akong murderer yet here she is nakikikain ulit.

I mean, yes, I invited her pero konting hiya naman sana sa akin. Buong akala ko ay hinala lang ang mayroon ako pero totoo palang hindi pa rin siya nagbabago. Paano niya nakakayang malugmok sa nakaraan?

Hindi ko minamaliit ang feelings niya and I really do think na valid ang reason niya kung bakit siya malungkot o nahihirapan siyang makalimutan ang nangyari noon. But the fact that she will bother again my life and blame me for everything that had happened to her is a different topic to talk about.

Alam kong nahirapan siya dahil namatay ang parents niya pati ang anak niya. I didn't push her for the purpose of letting her fall. I pushed her because she was too close and provoking me. It was her who stepped backwards.

Natapos ang lunch namin sa maayos na kwentuhan. Hindi ko masiyado kinakausap si Amara. Hindi ko kayang makipagplastikan sa kaniya. She needs to fix her attitude first before I talk to her.

Gumala lang kami sa MOA. Kunwaring nakikipag-usap si Amara kina Mama habang kami nina Rius ay nasa unahan dahil abala kami sa panunood kay Seig na natutuwa sa mga nakikita niya sa paligid.

"Mommy, I will miss this when we go back to Canada..." ani Seig at nagpakarga na ulit kay Rius.

Dumadami na kasi ulit ang mga tao sa parte ng nilalakaran namin.

Nagkatinginan kami ni Rius nang sabihin 'yon ni Seig. Bigla ko rin tuloy naisip na magkakahiwalay ulit kami ni Rius after this month. I'm worried. Parang gusto ko na lang siyang kasama tapos magpakasal na lang kami agad but of course, hindi naman kaagad na mangyayari 'yon.

Puwede naming pabilisin ang araw ng wedding pero masiyadong maaga pa. May mga gagawin kami this Christmas and hindi ito ang magandang time for that.

I am engaged to him naman na and wala na akong balak hubarin ang singsing na sinuot niya sa akin. I will definitely marry him.

"We could go back naman here next year... may next time naman palagi..." sabi ko.

"Wait... are you coming with us sa Canada, Papa?" biglang tanong ni Seig.

Rius sighed. "No, baby... I have works to do here and hindi na lang 'yon pwedeng basta iwanan ni Papa. Next year ay pupunta ako ng LA and I'll be busy na ulit."

Nahimigan ko ang lungkot sa boses ni Rius. I know na mami-miss niya ang anak namin pati ako. Parang hindi magiging sapat ang isang buwan para sa oras na nawala para sa kanilang dalawa.

Sumimangot si Seig at tumingin sa akin. I know he's asking me to do something about it pero I can't force Rius to come with us. Hindi rin naman kami puwedeng manatili na lang sa Pilipinas. Marami rin akong dapat gawin sa Canada.

Ang buong akala ko kasi ay hindi na ako babalik sa piling ni Rius. Ang buong akala ko ay tapos na. Pero panahon pa rin talaga ang makakapagsabi kung kailan.

"Baby, hindi natin puwedeng pilitin si Papa na sumama sa atin. Marami siyang gagawin and hindi rin tayo puwedeng mag-stay sa Pilipinas kasi may mga gagawin din si Mama for work..." sabi ko at pinunasan ang pawis ni Seig sa kaniyang noo.

Dahil sa napag-usapan namin ay nawala na sa mood si Seig na maglibot sa mall kaya ang ending ay bumalik na kami sa hotel para mag-swimming na lang. Topakin din 'tong anak ko e... kanina ay walang tigil sa paglilibot.

Habang nasa parking lot ay laking gulat ko nang nakita kong nakasunod pa rin si Amara. Oh my god... ang kapal naman ng mukha.

"Can I join then?" masayang tanong niya kay Papa.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz