Kabanata 21

60.5K 1.6K 979
                                    




Ready

Nakangisi si Amara habang nakatingin sa akin. Let me guess, aakalain niyang nagkabalikan kami ni Leyton. Ano pa bang aasahan ko? Lahat naman ata ng kilos ko binabantayan ni Amara para magamit niya ito laban sa akin.

"Ipapadala ko sana sa'yo itong request ni Mommy pero hindi ko naman inaasahan na madadatnan kitang lalabas ng condo mo kasama si Leyton?" nahimigan ko ang magpalarong tono sa kaniyang boses.

Nananatili siyang nakangisi sa akin na para bang inaakusahan talaga niya ako. Hindi ko naman pwedeng i-kwento kay Amara lahat ng nangyari dahil hindi naman niya kailangan malaman. I don't need to explain myself because I know the truth.

"Ano 'yung pinapaabot ni Mommy?" sabi ko kaya binigay niya sa akin 'yung paper bag.

"Since pupunta ka raw sa office ay ilagay mo raw ito sa table niya and 'yung sketchpad din diyan... ipasa mo 'yon kay Ms. Galapor..." aniya.

Kinuha ko ang paper bag. "Bakit hindi mo ito dalhin sa office at kailangan ako?" sabi ko at nanliit ang mata at nilingon si Leyton.

Kaswabwat niya ba si Leyton? Baka mamaya ay may binabalak sila. Nakita ko naman na genuine si Leyton kahapon but looks can be deceiving at gano'n din ang salita.

"May shoot ako and magkaiba ang way. Pasalamat ka dahil kinuha ko 'yan sa bahay para i-abot 'yan dito. Ikaw rin naman ang inuutusan ni Mommy at hindi ako but anyway... mukhang pinagsasabay mo si Leyton pati si Xarius..." she scoffed.

Umiling ako at suminghap. "I don't have time for this, tara na Leyton..." sabi ko kaya sumunod lang sa akin si Leyton.

Narinig ko ang paghalakhak ni Amara. She must be thinking silence means yes, kawawa naman siya. Lahat na lang talaga gagawin niya para masira ako. Nakakairita at nakakasira ng umaga.

Habang nasa biyahe ay biglang nagsalita si Leyton, "Akala niya siguro ay nagkabalikan tayo..." he chuckled.

Umirap ako. "Mahirap ipaliwanag ang mga simpleng bagay sa mga taong makikitid ang utak," sabi ko.

Humalakhak siya. "But anyway... so may something talaga kayo ni Xarius? 'Yung head engineer?" napasulyap ako sa kaniya nang tanungin niya 'yon.

Hindi ko alam kung anong mahihimigan ko sa boses niya but still, gusto ko na rin i-clarify ang mayroon sa amin ni Xarius kasi may something naman talaga. Wala lang label...

"Meron pero hindi pa kami..." sabi ko kaya napatango siya at mukhang hindi naman nagulat.

Kapagkatapos kong sabihin 'yon ay hindi na siya ulit nagsalita. Nanatili na lang siyang seryoso. Alam ko naman na may nararamdaman pa rin naman siya para sa akin and hindi ko naman basta na lang pawalain 'yon dahil lang sinabi kong magkaibigan na lang kami.

Nang makarating kami sa floor ng office namin ay inilagay ko na sa office ni Mommy ang paper bag at kinuha ko lang ang sketchpad na sinasabi ni Amara.

Kapagbalik ko sa office ko ay nadatnan ko si Leyton na seryosong nakatulala habang naka-upo sa pahabang sofa.

Iniisip niya ba 'yung sa amin ni Xarius o may iba siyang iniisip. Mas maganda na na sinabi ko para maliwanag sa kaniya. In case man na magkaroon ako ng care act sa kaniya ay hindi magkakaroon ng misunderstanding.

"Tulala mo naman masiyado, Leyton." I chuckled kaya napatingin siya sa akin.

Pilit siyang ngumiti at bumalik ulit sa pag-iisip. Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka nga may iniisip siya. Nagsimula na ako sa pagta-trabaho. I checked my iPad and I have a meeting nga pala with Mr. Juarez.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Where stories live. Discover now