Kabanata 20

66.3K 1.7K 799
                                    




Amazed

Malubha ang pagtataka ko habang nakatingin kay Leyton. Nakita ko ang mga nag babadyang luha mula sa kaniyang mga mata. Hindi niya alam kung anong gagawin niya, kung yayakapin niya ba ako o mananatili lang siyang nakatayo sa harapan ko.

"Bakit ganiyan ang itsura mo?" tanong ko at muling sinilayan ang kaniyang itsura.

"My parents kicked me out dahil hindi na ako pumapasok sa trabaho. Ilang araw na akong nasa labas... hindi ko na alam kung saan ako pupunta, ikaw na lang ang naisip ko..." aniya kaya mas lalo akong nagtaka.

Bakit naman siya papa-alisin atsaka bakit hindi siya pumapasok sa trabaho?

"Bakit, may sakit ka ba? Bakit hindi ka pumapasok?" tanong ko, naguguluhan.

Umiling siya. "I rebelled against them. Pinaglalaban pa rin kita kahit hindi na ako sigurado kung may babalikan pa ako..." nahimigan ko ang lungkot sa kaniyang boses.

Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. I never thought that he would still fight for me. Akala ko tapos na ang lahat, pero kumakapit pa pala siya. Habang ako ay tinapos ko na ang sa amin matagal na.

I bit my lower lip because of my anxious thoughts. Hindi ko na tuloy alam kung anong sunod kong sasabihin. I am out of words!

"Kumain ka na ba? Ang dumi mo rin, wala ka na bang access sa condo mo?" 'yon na lang ang tangi kong nasabi.

He hesitated to respond pero unti-unti rin siyang umiling. Pakiramdam ko tuloy I am the reason kung bakit niya nararanasan 'to. Hindi ko man alam kung gaano na ba talaga siya katagal nananatili sa labas pero panigurado nahihirapan na rin siya.

Hindi ko alam kung saan ako hihingi ng tulong about sa damit niya. Obviously, hindi ko naman siya pwedeng pahiramin ng mga damit ko. Bilhan ko kaya siya, I know his sizes naman e. Even the size of his underwear ay sinasabi niya sa akin dati.

Why do I feel guilty? I still care for him kasi kahit papaano ay marami rin kaming pinagsamahan and natapos lang talaga 'yon pero hindi naman ibig sabihin no'n ay babaliwalain ko lahat ng mga nagawa niyang mabuti sa akin at magfo-focus na lang ako sa mali niyang nagawa.

Kaya sa halip na mag-lunch ako, pupunta ako sa mall para bilhan siya ng mga gagamitin niya. Dadalhin ko muna siya sa condo ko at sabay na kami kakain.

"Just stay here for a while dahil you look... awful. Maligo ka muna at gamitin mo 'yung bathrobe riyan na puti. Bibili lang ako ng damit mo..." sabi ko.

He nodded. "I'm sorry... nagiging abala pa ako sa'yo. " Bahagya siyang tumungo dahil siguro sa hiya.

I sighed. I want to comfort him pero I chose to ignore it.

"I'll be right back," sabi ko, beating around the bush.

Tumulak na ako agad papunta sa Mall of Asia para mamili na ng damit. Namili lang ako ng mga maayos na damit at hindi gano'n kamahalan, 'yung sakto lang din para gawing pang bahay at pwede ring gawing pang-alis.

I will order na lang sa Italian restaurant since ro'n naman dapat talaga ako kakain, mag-order na lang din ako ng gusto niya. Kaya nang matapos akong mamili ng mga damit niya ay dumiretso na kaagad ako ro'n.

"Welcome..." nginitian ko si Andres na sinalubong ako.

"Mag-isa lang?" sabi niya.

"Hindi ako mag-stay, take-out..." tipid akong ngumiti.

Tumango siya at tinawag ang waiter para kuhanin ang aking order pero hindi na ako naghanap ng mauupuan dahil aalis din naman ako.

"2 set nito, pakidagdagan 'yung garlic bread... mag-additional na lang ako..." sabi ko kaya naman tumango 'yung waiter.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon