Kabanata 51

62.1K 1.7K 522
                                    




Good

Bago ang araw ng birthday ko ay tumulak kaming pamilya sa Manila kasama na rin sina Tito at Tita. Pinaiwan muna nila kay Tito Wilon ang resort habang wala sila at may mga staff din naman silang maaring tumulong.

Magkakasama kami nina Seig sa kotse ni Rius. Sabi ko nga kina Mama na ayos lang na magkakasama kami pero hindi sila pumayag. Gusto raw nila na bigyan kami ng oras pa. Halos dalawang linggo na nga akong nakadikit kay Rius.

Hindi ko na lang din inisip 'yung takot ko. Tama si Rius, we should just enjoy this month together as a family. Isa pa ay tungkol naman sa pagmamahalan ang pasko at kung magfo-focus ako sa gulo o takot ay baka masira lang ang lahat.

It's okay to be aware sa mga nangyayari pero as much as possible ay mas gusto kong i-enjoy ang mga nangyayari.

I want to be here for Seig and for Rius or even for my family. They need me. Hindi na dapat ako nag-aalala sa mga bagay-bagay. We are all in this together. Alam kong kasama ko sila, susuportahan nila ako.

"Mommy, can I request?" nilingon ko si Seig na naka-upo sa backseat habang nanonood ng Mr. Bean sa kaniyang iPad.

"What is it, baby?"

"Can I sleep beside you and Papa again?"

Saglit akong napatingin kay Rius na napangiti pero nanatili pa rin ang mga mata sa daan. I sighed at muling binalingan ang anak ko.

"Yes, sure, baby... no problem with that. Puwede mong sipain 'yung mukha ni Papa mo." I laughed kaya mahinang natawa si Seig.

"You're always teasing each other. Makes me wonder if that's how relationship works..." ngumuso siya at binalingan na ang pinapanood niya sa iPad.

Aw... my baby is curious about being in a relationship already. I can't explain it deeper for him, since he will not still understand some things.

"No, baby... I guess that's how we bond and that's how he lifts up my mood whenever I'm down."

Saglit niya akong nilingon bago bahagyang tumango at nag-focus na ulit sa pinapanood. Umayos na ako ng upo at nilingon si Rius na seryoso lang na nakatingin sa daan.

Habang nakatingin ako sa mga mata ni Rius ay bigla kong naisip na he never open something that bothers him to me. Although I saw his weak side but he never comes to the point that he will ask me for some advice or something. I guess he's always being strong for me...

"Baby..." I whispered.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Rius at pabalik-balik ang tingin sa akin. Hindi na siya makapag-focus sa daan. Nakikita ko sa mukha niyang namumula siya. I just called him 'baby'! Oh no... I just tried calling him using an endearment. Humph!

"Why are you panicking?" I chuckled while being confused.

"I am driving, Sydney... that's a wholesome distraction."

Kumunot ang noo ko at kinurot ang tagiliran niya. Bahagya niya 'yong ininda pero hindi ako nilingon. May sasabihin lang naman ako...

"Gusto ko lang naman kasi sabihin na kung payag ka na ba na mag-merge ang DMCC pati ang Resurney... arte nito! Distraction agad..." Umirap ako kaya mahina siyang natawa.

He sighed at sinusubukang mag-focus sa daan. "Sure, puwede naman..." tipid niyang sagot.

Kumunot ang noo ko at kinuha ang isa niyang kamay na nakapatong sa kaniyang hita. He flinched nang nagkadikit ang mga balat namin pero nanatili ang mga mata niya sa daan.

"Bakit parang may iniisip ka?" mas hininaan ko ang boses ko para kami lang dalawa ang makarinig.

He clenched his jaw. "I am okay. I am just driving."

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon