[07] But I'm tired of holding this inside my head.

8.7K 87 9
                                    


Chapter Seven

SAGE

Late na akong nakatulog kagabi (actually hindi ako masyadong nakatulog dahil sa kakaisip kay ‘alam niyo na’) kaya muka akong haggard pagka-gising ko. Pero wag kayong mag-alala, gwapo pa rin naman ako. Haha! 9am na at buti na lang 10am pa ang start ng first class ko. Mabilis kong ginawa ang daily routine ko and after thirty minutes, natapos na ako. Sinkabit ko na ang bag ko at agad na nagtungo sa dining are namin. Nakita ko ang Ate Aries ko na naghahanda ng aming almusal.

"Goodmorning Ate Aries! Sila mama?" Tumayo ako haharap niya at kumuha ng isang tinapay.

"Goodmorning din! Maagang pumasok eh. Sabi ni mama, magkakaron daw sila ng Business Trip. Baka mamaya ay umalis na sila at hindi mo maabutan. Maupo ka jan at kumain ng kanin."

"Maraming carbohydrates yang kanin. Ayoko, nakakataba. " =___=

"Eh! Ang payat payat mo kaya. Tsaka may carbs din naman yung tinapay ah." 

"Ehhhh! Ayoko!" Ayoko talaga. Ayoko ngang tumaba. Kelangan mamaintain ko ang abs ko no! Hahahaha! Hayaan niyo na meron ako nun! >:D<

"SAGITTARIUS.. ISA! Isusumbong kita kay Troy!"

(O////////O)

 Nagulat naman ako dahil bukod sa binanggit niya ang real name ko, Oo, Sagittarius ang real name ko. But I prefer to be called 'Sage.' =_____=  Blame my parents! Kasalanan ko bang Leo ang pangalan ng tatay ko, Gemini ang pangalan ng nanay ko at Aries ang pangalan ng ate ko? Buti nga hindi Capricorn, Scorpio, Pisces or Cancer ang pinangalan sakin e -.- Ang lakas ng trip ng mga magulang ko no? Gawin ba naman kaming pamilyang Zodiac Signs? Okay, so bukod nga sa binanggit ni Ate Aries ang real name ko, sinabi niya ang name ng kuya ni Aicel.

TROY DIBA? TROY YUNG SINABI NIYA?

Wala naman akong ibang Troy na kakilala bukod sa Kuya ni Aicel.

OH MY GAHD! Hindi kaya ibig sabihin nun ay.. 

"I saw you at SM with Aicel yesterday. Pumasok pa nga kayo sa iisang cubicle e. I wonder what you guys did inside. Nacu-curious ako. If Troy knew this, ihanda mo na ang paglilibingan mo Sagittarius. Buti na lang at hindi ko hinayaang makita niya kayo. You should thank me for that. Pero yung sa CR talaga eh! Ano kayang nangyari? Hmmm. Haha!"

(O////////////O) Ako.

(^__^) <-- Si Ate Aries.

"Ahh! Ate naman, It's not what you think." Winave-wave ko pa ang kamay ko na parang sinasabing ‘Mali ang iniisip mo.’

"What am I thinking?" She grinned at me.

"Baka kasi iniisip mo na may ginawa akong hindi maganda kay Aicel, tapos baka isumbong mo pa ako kay Kuya Troy. Wala namang ganyanan."

"Hahaha. Ikaw talaga. Syempre hindi ako nag-iisip ng ganun. Kumain ka na nga diyan."

“Salamat! Pinakaba mo ako don.” Natawa lang siya.

Gustung-gusto talaga akong inisin ng ate ko e. Lahat talaga gagawin niya para makita akong naiinis. Haay! Kumain na lang ako. Mamaya kung san pa mapunta ang usapan namin eh.


Pagkatapos kong kumain, nagpaalam na ako at umalis na ng bahay. Pareho lang kami ng school ni Ate Aries. Magkaiba nga lang ang schedule. Ibang klase kasi ang school namin e. High School na parang college. Basta ganun. Ayoko ng mag-explain. It’s too complicated.

I am 20 minutes early. Dapat pala nagpa-late na lang ako ngayon, baka kasi mamaya kung ano pang ipagawa sakin ni Aicel eh >.< Remember? I'm her slave today. Kung anu-ano na ngang kahihiyan ang iniisip kong pwede niyang ipagawa sa akin e. Atsaka, ano na kayang nangyari don? Simula kasi nang kabahan ako kagabi, nag-aalala pa rin ako hanggang ngayon.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon