[05] And I'll be gone gone today.

8.6K 103 11
                                    


Chapter Five

LEWIS


"Just take good care of her, bro."

Yan ang huling sinabi ni Sage sa akin bago sila tuluyang umalis ni Aicel. May lakad pa daw kasi sila. Nakakapagtaka nga eh. Close pala si Sage at Aicel? Parang wala namang nababanggit sa akin si Sage na magkakilala sila or what. Hindi ko rin naman sila nakikitang nag-uusap noon, tas ngayon parang magkakilalang magkakilala sila. Weird. 

"Take good care of me daw. Haha!" ^__^ Nakangiting sabi sa akin ni Patch nang makalabas na kami ng gym. Okay. That smile!

Bumalik ako sa wisyo ng magsalita si Patch. Nakangiti siya at ang ganda ganda niya talaga. Lagi na lang ako naiinlove sakanya pag ngumingiti siya. Kaso, hindi ko naman alam kung sino ba ang dahilan ng mga ngiting iyon. Ako? o si Sage? UGHHH.

Mahal na mahal ko si Patch, kahit na alam kong may gusto siya kay Sage. Pero paki ko ba? I will never give up on her kahit na sariling bestfriend ko pa ang magiging karibal ko.


"Psh. I will take care of you kahit na di pa niya sabihin." I said, pouting.

"Oh? Bakit ganyan ang itsura mo?" 

"Gwapo pa rin naman ako ah. Nagpapacute lang." ;)

"No need. Cute ka naman talaga eh. Haha." Feeling ko namula ako sa sinabi niya. Sabihin niyo ng kabaklaan ito, pero nakakakilig kase :">

"Ikaw talaga! Wag mo nga akong pakiligin." Ginulo ko pa ang buhok niya.

"Eh, san ba tayo pupunta?" Oo nga. Saan ba kami pupunta? Biglaan kaya tong lakad na to. Dapat kasi kasama sila Sage at Aicel kaso may sariling lakad yung dalawa.

"Saan mo ba gustong pumunta?"

"Hmmm. Ayun, alam ko na! Samahan mo ako sa mall. Bibili nga pala ako ng regalo."

"Eh? Para kanino naman?"

"For someone special, someone I really really love."

"Birthday ba ni Sage bukas?" O___O

Ang alam ko kasi, hindi naman birthday ni Sage bukas. Sino naman ang reregaluhan niyang someone special at someone she really really love? Ako? Eh? Birthday ko ba bukas? Ugh! Imposible. Ako? Someone she really really love? Utut Lewis, asa ka pa!

"Bakit? Kapag ba someone special and someone I really love, si Sage na agad? Di ba pwedeng--- "

"Ako muna?" I blurted. Curious ako -.-

"Haha! Bakit birthday mo ba? Halika na nga, samahan mo na lang ako."

Pumunta na kami sa parking lot. Dun kasi naka-park yung sasakyan ko. Malamang, parking lot nga yun eh. Sumakay na kami at pinaandar ko na yung kotse. Nang makarating kami sa kalagitnaan ng daan, nakakita ako ng pamilyar na motor. Oo, kanya nga ang motor na may SP sa gilid. May tumabi pang isang motor sa kanya. Wait, hindi kaya kay Zion yung motor na yon? Ibig sabihin ba nito?

Me: "Patch, nakita mo yung dalawang motor na yon? Magre-racing yan."

Patch: "Paano mo naman nasabi? Kung gusto nilang mamatay, magreracing sila. Pero muka namang gusto pa nilang mabuhay. Hindi yan magkaka-rerehan."

Me: "Magreracing yan."

Patch: "Hindi yan magreracing." Aba. Talagang nakikipagtigasan sakin si Patch ah. Hahaha. May naisip na naman akong kalokohan.Yahoooo!

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon