[02] I can't forget the hour, that moment with you.

10.1K 124 26
                                    

Chapter Two

PATCH

Nawi-weirduhan ako kay Sage at Aicel. Parang may something na hindi ko alam. Nakakaintriga yung sinabi ni Sage kanina and why all of a sudden naging close sila? Hindi ko naman kasi sila nakikitang nag-uusap e. Ngayon lang talaga.

At dahil nga naiwan akong mag-isa nang hilahin ni Sage si Aicel kanina, naisipan kong pumunta na lang sa gym. Baka kasi may practice ng volleyball ang varsity girls, balak ko sanang manuod. Pero pagdating ko don, wala pala. Aalis na sana ako nang..

"Look who's here."

I didn't tend to look back. Kilala ko ang boses ng babaeng ito. Sigurado akong siya iyon. Aalis na lang ako para umiwas sa gulo. Alam ko namang laging masama ang tingin sa aking ng babaeng to e. Patch, magpretend kang wala kang narinig!

"Hoy! Patricia Montes, I'm talking to you!" Hinila niya ako paharap sa kanya.

Tama nga ako. Siya nga iyon. Si GELEEN CABRERA! Kasama ko sa cheering, president ng volleyball girls, Lewis ex-girlfriend turned to his fansclub president. Odiba, ang bongga ni Lewis may fans! Hahaha.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na layuan mo na si Lewis." Inis na inis niyang sabi sa akin at ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko. Feeling ko nga, bumakat na ang kamay niya sa braso ko.

“Nasasaktan ako. Bitawan mo nga ako.” Nagpupumiglas ako sa hawak niya pero mas lalo niya lang akong ayaw pakawalan.

“Leave Lewis alone, Patricia!” She said.

"Ilang beses ko rin bang sasabihin sayo na bakit ko gagawin yon? Lewis and I were friends. Labas sa pagiging magkaibigan namin ang pagiging ex-girlfriend mo at president ng fansclub niya." Naiirita kong sabi sa kanya.

"Wala akong pakielam. Basta layuan mo si Lewis." ABA’T!

"Wala kang karapatan." Sino ba siya para sundin ko? Bakit ko naman pipiliin ang mga taong kakaibiganin ko para sa kanya? Manigas siya diyan.

"I'm his girlfriend." Geleen.

"Correction, EX. You are his PAST, and WILL NEVER BE HIS PRESENT AGAIN. Bakit Geleen, hindi mo pa rin ba matanggap na ako na ang mahal ng lalaking minahal ka pero ginago mo lang?"

Wala naman talaga akong balak makipag-away sa kanya. Pero minsan kasi, sumosobra na ito. Kasalanan ko bang magustuhan ni Lewis? I never asked him to like me in the first place. Naging mabuti lang naman akong kaibigan sa kanya. I didn’t know na magkakagusto siya sa akin.

*PAAAK.*

"Shut up, Slut. Malandi kang babae ka!" Napaupo ako sa lakas ng impact ng sampal niya at pagkabigla. Hindi ko inaasahang gagawin niya iyon sa akin. Lalapit na sana siya sa akin upang sabunutan nang may sumigaw.

"PATCH!" He cried while he rushed towards me. Marahan niya akong itinayo. Nakita ko sa mga mata niya ang pag-alala. "Are you okay?"  

Tumango lang ako kahit na obvious namang hindi ako okay. Ikaw kaya ang sampalin, magiging okay ka? Pero muka siyang hindi satisfied. Kilala niya talaga ako. Alam niya kung nagsisinungaling ba ako, o hindi sa kanya.

Binalingan niya si Geleen. Galit na galit ang expression niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Yung tipong gusto niyang manuntok pero nagpipigil lang. Sabagay, babae pa rin si Geleen. At hindi tama na manakit ng babae ang isang lalaki. Pwera na lang kung ako ang mananakit kay Geleen.

"What do you think you're doing, Geleen?! Bakit mo ginawa yon?" 

"Dahil inaagaw ka niya sa akin." Sinamaan ulit ako ng tingin ng babaeng to.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon