[70] I gotta get it through your head, that you belong with me instead.

2.4K 79 30
                                    


Chapter Seventy

PEN

Tapos na akong kumain nang mapatingin ako kay brat na nasa katapat kong upuan. Napataas ang kilay ko nang makita ko siyang nakatungo sa table. Sa sobrang sarap ata ng pagkain ko, halos nakalimutan ko na may kasama pala ako dito. (-__-)

“Huy. Gumising ka nga diyan!” I nudged her but she has no response. “Aalis na ako ha. Bumalik ka na sa room mo kung inaantok ka na.”

Tatayo na sana ako nang mahagip ng mata ko ang pulang lata na hawak niya. I looked at it thoroughly and I gasped when I realized it’s a beer. Putek! Akala ko kanina coke lang ang iniinom niya kaya hindi ko pinansin kahit nakadalawang lata na ito.

“Hoy! Gumising ka nga!” Tawag ko ulit dito.

She slowly lifted her face. I gulped. Para kasing slow motion ang pagtunghay nito. Bigla akong kinabahan nang mapatitig ako sa muka niya. She really looks like an angel. Huwag lang talaga siyang magsasalita, then I may like her.

WHAT? WHO SAYS I MAY LIKE HER? DAPAK! (-__-)

“Bakit ka ba umiinom ha?” Tanong ko dito. Sana sumagot. Sana suma—(--.)

“Bakit ikaw, umiinom ka din naman ah?” Sabi ko nga, pilosopo to. Tss.

“I mean bakit ka naglalasing? Dito pa talaga. Paano kung ibang tao ang kasama mo? Mamaya pagsamantalahan ka pa ng mga taong hindi mo kilala. Tsk.” 

She didn’t answer. She just rolled her eyes on me at napayakap ito sa sarili niya. Tss! Sando, sando pa, lalamigin naman pala. Daming arte talaga ng mga babae. (-__-)

Tumayo na ako at hinubad ang jacket na suot ko. I placed it on her shoulders. Nakaka-konsensya naman, baka mamatay pa to sa sobrang lamig. Multuhin pa ako. Tsk!

“Why are you still here?” She speaks with a hoarse voice.

I raised a brow. “Because I owned this resort.” (--.)

“Floral looks good on you.” Napangiti pa ito pagkasabi noon.

DugDug. DugDug.

Takte! Naka-floral nga pala akong t-shirt. Shet ka, Pen! Yun lang ang sinabi niya, pero ang puso mo, daig pa dancer kung mag-krumping. Pakalmahin mo yan. Putek!

Nag-iwas agad ako ng tingin. Ehem! Woooo!

“Floral? Diba yun yung opposite ng sengular?” I cracked a joke just to light up the mood.

“Huh?” She stared at me for a second. And you know what’s the next thing she did? Nang ma-gets niya ata ang joke ko, she suddenly burst out with laughter. “HAHAHAHAHAHAHAHA!”

Ayos din palang mag-joke sa babaeng to! Tinatawanan ako kahit anong kakornihan ka. Hindi katulad ng barkada ko. Minsan na nga lang ako mag-joke, babatuhin pa ako ng kung ano-ano. Pero nakakahiya talagang tumawa si Brie! Akala mo hindi babae tumawa e. (-___-)

“Oh my! That was the most hilarious joke I’ve ever heard.” Napa-facepalm na lang ako dahil hindi pa siya tapos tumawa. Naluluha na nga siya oh.

I sighed. Umorder na lang muna ako ng dessert habang tumatawa pa siya.

“Isa ngang mocha fudge ice cream.” Sabi ko sa waiter.

“Me too! Me too!” Eksena ni Brie. “I want to try your mocha fudge ice cream. The name sounds sossy.” Para siyang bata na first time tumikim ng ice cream.

“Okay. Two mocha fudge ice cream coming up!” At umalis na ang waiter.

“Sossy?” I raised a brow. “Diba yun yung pambukas ng pento?”

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon