Bizarre Love Square Epilogue

3K 98 37
                                    

A/N: Hello, my dearest readers! Ito na po ang epilogue ng Bizarre Love Square! Una sa lahat, Maraming Salamat sa mga nagbasa, sumubaybay sa PaWis at CelSa, sa mga naghintay ng sobrang tagal na updates at sa mga hindi bumitiw. This is my first story and it took me almost 19 months bago matapos to kaya sobrang masaya ako dahil eto na, finally natapos ko rin. Salamat sa mga nagmahal sa characters. Huhu. Ang drama ko na ba? Basta sobrang salamat sa inyong lahat.

xxx

EPILOGUE

NORMAL POV

“Hey, baby! Bakit ang taga—boooogsh!

Patricia’s fist landed straight to Lewis’ handsome face. Muntikan na itong mapa-upo dahil sa lakas ng suntok ni Patch sa muka niya. Feeling niya tuloy, magkaka-pasa siya.

He was patiently waiting for his girlfriend for almost 1 hour at the Parking Lot, pagkatapos ay hindi man lang nag-intro. Nasuntok agad siya at hindi niya alam kung bakit.

He looked at her, confused. Salubong lang ang kilay ng dalaga. “What was that for? Ang sakit mo manuntok ha. Daig mo pa ako.” (-__-’)

Totoo naman kasi. Sa loob ng ilang buwan na relasyon nila Patch at Lewis, doon niya napatunayan na totoo ang kasabihang ‘Love hurts’ dahil kay Patch pa lang, it literally hurts physically. Hay, Jusko! Mahal mo naman.

“That’s for hiding something to me!” She said, her brows furrowed.

Nanlaki ang mata ni Lewis sa narinig. Kailan ba siya nagtago or naglihim sa girlfriend niya? He’s always honest and open to her. Minsan lang naman siya naglilihim kung may surpresa siya dito. Pero ano tong inaakusa sa kanya ni Patch?

“What? Aside from my surprises, I never hide—ow.”

Natigilan na lamang ito nang may idikit si Patch sa noo niya. Clueless niyang tinanggal iyon sa noo at tinitigan itong mabuti. Napailing na lang siya nang mapagtanto kung ano iyon.

“I forgot about this.” Sabi nito sa sarili at napasapo sa noo. “Carlo warned me. Hindi ko naman alam na tototohanin pala ni Patch yun.”

“Are you crazy? Why are you talking to yourself?” Inis na sabi ni Patch dito.

“Sorry na, babe.” Lambing nito dito at niyakap na lang niya si Patch. “Nakalimutan ko na ang tungkol dito e. I’m so busy loving you that I forgot I’m the secret sender of these notes.”

“Bwisit ka! Ikaw lang pala ang nagpapadala nito. Akala ko si Samuel.” Sabay ganti ng yakap sa boyfriend niya. “Infairness, napagaan nito loob ko noon.”

Tila nag-init ang tenga ni Lewis nang marinig ang pangalang Samuel. Natatandaan niyang si Samuel ang kinausap niya noon upang tanungin si Patch kung kumain na ba ito nang maabutan niyang busy si Patch sa Student Council. When she said she’s not yet eating, si Samuel ang napagbuntungan niya ng inis na may halong pag-aalala.

Kumalas ito ng pagkakayakap at tinignan ng masama ang girlfriend. “At paano mo namang naisip na si Samuel ang nagpapadala ng mga notes na yan sayo, huh?”

“Basta! Kinausap niya kasi ako dati. Tsaka akala ko imposibleng ikaw yung mystery sender. Kaya pala ang weird kapag nababasa ko yung note.”

Nagtaka ito. “Huh? Paanong weird?”

“Weird. Kasi kapag nababasa ko yung note, kinikilig ako. Napapangiti ako at bigla na lang gumagaan ang pakiramdam ko. Kaya pala ganon ang feeling. My mind doesn’t know it’s you but my heart does. Ibang klase ang puso.”  

Napangiti tuloy si Lewis sa sinabi nito. Ilang buwan pa lang ang relasyon nila, minsan ay may mga tampuhan at hindi pagkakaintindihan. But Lewis and Patch know how to handle their relationship. Kapag alam nilang kasalanan or mali nila, they’re willing to set aside their pride para makipag-ayos sa kanilang partner. Syempre, mas mahalaga ang taong mahal mo kaysa ego. Okay ng mawala ang lahat ng pride or ego nila, wag lang ang relationship at pagmamahal sa isa’t-isa. Maturity it is.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon