[35] I want the world to see, what you mean to me.

6.5K 81 24
                                    


Chapter Thirty Five

LEWIS

“Guys, be ready. We’ll start in a bit.” Sigaw ni Zion sa amin. Siya kasi ang Captain e.

Andito kami ngayon sa gymnasium. May basketball training kami ngayon dahil malapit na ang Basketball Competition. Isa iyon sa pinaka-inaabangang ng campus dahil itinataas naming mga varsity players ang bandila ng school at kailangan naming manalo ngayon. Consistent kasi ang championship ng school namin, kaya nasa aming players ang pressure.

Isa rin yung reason kung bakit ko niyayang lumabas si Patch nung isang araw. At nakita pa namin ang Eiffel Band na kasama si Aicel. Paniguradong puspusang training na naman ito.

“Lewis!” Tawag sa akin ni Sage. Naka-upo kasi ako sa bench dito habang yung iba kong mga kasama sa varsity, nagwa-warm up na.

“Uy Sage! Long time, no see ah. Haha.” Bati ko sa kanya.

“Parang hindi tayo nagkita nung isang araw ah?” Natatawa niyang sabi.

“Uyyy. Nag-date silang dalawa. Yieee!” Asar ni Bench kaya nakatanggap siya ng batok mula sa amin. Sumunod rin pala kay Bench sila Patrick, Pen, at Zion.

“Baliw. Inggit ka lang kasi wala kang ka-date.” Zion chuckled.

“Nagsalita ang may ka-date! Ikaw nga, torpe ka pa din e. Uso gumraduate diyan, Zi.” (-.-’) Nang-aasar na sabi ni Bench.

“Sandoval! Gusto mo ba ng 70 laps?” Zion said with authority.

“Ahh.” Napakamot ito ng ulo. “Captain naman, hindi ka mabiro. Haha.”

“Sira ulo ka, Zion. Abusing of power yan.” Natatawang sabi ni Pen.

“I know right? Kasalanan niyo. Binoto niyo akong maging captain e. Face the consequences.” Tinitigan niya kami ng masama na eventually ay tinawanan lang namin.

Pinagkaisahan kasi namin ng barkada si Zion. Hindi kasi namin malimutan yung araw na nagalit siya nang malate kami ng one minute sa usapang oras. At yung nagalit siya dahil napa-aga sila Sage ng punta sa bar niya (sa Enchanted Kingdom).

Mahirap kasi maging captain ng basketball. Yun pala, abusing of power si Zion. Tss.

“Going back to the topic, saan kayo nagpunta ni Sage?” Tanong ni Pat.

“Nanuod kami ng MBL.” Sabay naming sagot ni Sage. Natawa ang barkada. Pati sa pagsagot ng tanong, kailangang sabay? Haha.

“Anong MBL?” Nagtataka nilang tanong sa amin.

“Must.. Be Love!” (^^.) Feel na feel pa namin ni Sage ang pagsabi.

“Putspa!” Napasigaw pa si Bench at napatayo. Pinagtuturo niya kami na para bang may ginawa kaming malaking kasalanan. “Sinasabi ko na nga bang nag-date kayong dalawa! Bakit hindi niyo na lang aminin sa aming may lihim kayong relasyon!”

“Gago!” Sabay sabay namin siyang binato ng bimpo kaya poker face siyang umupo.

“Kasama namin sila Aicel at Patch. Tong si Sandoval, napaka-judgmental. Jumping into conclusions.” (--.) Sage said.

“Ah! Double date!” Zion giggled. Putek. Ang bading!

“Hindi din.” I interrupted. “Kasama namin Parking Five e.”

“WHAT! Pero kami hindi niyo sinama?” Napatayo na naman si Bench. “Akala ko ba friends forever. Eh bakit nagkakalimutan na?”

“Ang OA mo. Umupo ka nga!” Hinila ni Pen si Bench paupo.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon