[68] But your eyes say everything, without a single word.

2.6K 77 47
                                    

Chapter Dedicated to: xxxmariah

xxx

Chapter Sixty Eight

AICEL

Kanina pa excited si Brie na makita si Sage. Nasabi ko pa nga lang na mago-overnight kami, nagtatalon na siya at sinabing sasama siya kahit na magmukang makapal ang muka niya. Aba’t oo nga’y ang kapal. Hahaha. Hindi ko pa nga pala nasasabi kay Sage na nakaka-alala na ako. Bahala na. Hahanap na lang ako ng magandang timing.

As usual, ang dami na namang bilin ni Raven sa aming dalawa ni Brie. May aasikasuhin kasi siyang requirements kaya’t hindi siya makakasama. At isa pa, hindi siya invited.

“Gosh! I can’t wait to see Sage na. I believe he became more handsome.” Nginitian niya ako ng nakakaloko at may halong pang-aasar. “That’s why Aicel fell in love with him so hard.”

“HOY!” Binato ko siya ng panyo sa muka. “T-Tama ka!”

Nagtawanan muna kami saglit at nangaral na naman si Raven sa amin. Kesyo daw huwag kaming magsusuot ng revealing na damit at huwag daw kaming pupunta sa malalim na pool.

Buti na lang dumating na si Sage kaya natigil na siya.

“Ahhhhhhhh! Sage! Ang tangkad mo na!” Sinalubong ni Brie ng yakap si Sage. I’m sure namiss niya rin yan. Ilang taon ba namang hindi nagkita.

“Acccck! Brat, wag mo nga akong sakalin!” Pilit itong kumakalas sa mga yakap ni Brie.

“Don’t call me brat. I’m matured now.” Pabiro nitong sinuntok ang balikat ni Sage.

“Tama na yan!” Sigaw ni Raven nang mapansin ang kulitan ng dalawa. “Umalis na kayo nang makapag-party party na akong mag-isa dito.”

“Loner!” Sage, Brie and I yelled in unison.

Raven glared at us. “Takbooooo!” Bago pa kami mabato ni Raven ng kung anu-ano, mabilis kaming tumakbo palabas ng bahay at sumakay sa kotse ni Sage.

“OY, PADILLA!” Mabilis nitong hinila sa t-shirt si Sage. Nahuli kasi siya kanina sa pagtakbo dahil pinauna kami. Gentleman talaga ng mahal ko. Haha! Career na career, Aicel? (-_-)

“B-Bitawan mo ako, Brian! B-Bitawan mo ako!” Pagpupumiglas ni Sage. Brian nga pala ang tawag niya kay Raven.

Binatukan niya ito. “OA mo bro! Sasabihin ko lang na ingatan mo ang dalawang prinsesa ko.”

“Kahit anong sabihin mo, iingatan ko talaga sila!” Pinagpapalo nito ang kamay ni Raven na nakahawak sa damit niya. “Bitawan mo ko! Bagong plantsa yang damit ko!”

Natatawang pinakawalan ni Raven si Sage. “Good. Paki bantayan ng mabuti ang kapatid ko ha. Baka may kung sinong umaligid diyan e.”

“Brian! I can handle myself.” Sigaw ni Brie dito.

“Yeah, whatever Brat.” Inirapan nito si Sage. “Ako na bahala kay Brie. Hindi ko siya padadapuan ng lamok. Haha!”

“Baliw!” Binatukan siyang muli ni Raven. “Kwentuhan tayo pag-uwi niyo.”

Sage nodded at nagpaalam na kami kay Raven bago umalis. Sa passenger’s seat ako naupo dahil ayaw daw ni Sage na magmuka siyang driver. Sumunod na lang ako. Kami na nga lang ang nakikisakay sa kotse niya e. Haha! (-_-)

Ang awkward sa loob ng kotse. Dahil to kay BRIE e! Hahaha. Hindi kami makapag-usap ni Sage dahil alam kong nakikinig lang sa likod ang makulit na babaeng to. Napapatingin na lang ako kay Sage sa rear view mirror ng kotse niya. Ang seryoso niya mag-drive. Ugh.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon