[73] And out of all these things I've done, I think I love you better now.

2.2K 95 27
                                    

Chapter Seventy-Three

AICEL

Kanina pa ako hindi mapakali at pagulong-gulong sa kama ko dahil sa kakaisip kay Sage. Badtrip! Nae-excite akong makipag-date sa kanya. Hindi naman to first time, pero nakaka-excite pa din like it was always our first. Haha. Saan kaya kami pupunta mamaya?

“Knock knock.” Tumigil ako sa pag-gulong nang makita ko si Kuya sa tabi ng pinto ko. “Problema mo? Para kang kiti-kiti na hindi mapakali diyan ah.”

I ignored his comment. “Kuya, kanina ka pa ba umuwi?”

“Twenty minutes ago and I am watching you rolled there for like ten minutes.” Lumapit ito sa akin at umupo sa gilid ng kama ko. “Kinikilig ka ba?”

Umiwas ako ng tingin, trying to hide my blush. “H-Hindi!”

“Sows! Ikaw pa mag-secret sa akin.” Ginulo niya ang buhok ko saka natawa. “Si Sage ba?”

Dahan dahan akong tumango. “Nanliligaw siya, Kuya.”

“What?” Her brows furrowed. “Kailan pa? Why didn’t you tell me?”

Ano ba to! Magkukwento na naman ulit ako. “Noong natulog ako sa kanila. Sorry, hindi ko agad nasabi. Biglaan din kasi tsaka hindi kita mahagilap.”

“Yah. I was there when you sleep together.” He said.

(o.o) “What? Nakita mo ba kami?” Gulat na gulat kong tanong sa kanya.

“Hindi nga e. Ni-lock agad ni Aries yung kwarto ni Sage. Pero okay lang, nakatabi ko namang matulog si Aries noong gabing yun e. Quits lang kami ni Padilla.”

Lalo akong nagulat sa rebelasyon niya. “May gusto ka ba kay Ate Aries?”

“W-WHAT?!” His cheeks slightly turned red. “What are you talking about? We’re bestfriend! Of course, I like her as my bestfriend. Tss.”

“Defensive much.” Bulong ko sa sarili ko.

“May balak ka bang sagutin si Sage?” Seryosong tanong nito.

Napalunok ako. “M-Meron. Mamaya siguro. M-May date kami e. Hehehe.”

“DATE?!” Okay. Hindi naman siya sumigaw sa lagay na yun. “AT MAMAYA MO NA SIYA SASAGUTIN?! SIGURADO KA BA? ILANG ARAW SIYANG NANLIGAW SAYO?”

“Kuya naman!” Saway ko dito. Ang OA e. “Hindi pa ba sapat yung ilang taon na tiniis niya dahil nilihim niyo sa akin ang kalagayan ko? Hindi pa ba sapat yung mga taong hinintay niya ako? At hindi pa ba sapat na mahal ko siya para sagutin siya?”

“Natatakot lang naman ako na masaktan ka. I’ve seen Aries at her worst. Ayoko lang nakikita na nasasaktan ang mga babaeng importante sa akin.”

Ang sweet ni Kuya. Protective talaga siya sa amin ni Ate Aries, Brie at Patch. Kaya sobrang thankful ako na kapatid ko to kahit bully siya e. Haha.

“Kuya, hindi naman pwedeng mawala yun sa isang relasyon e. Ang mahalaga, alam ko kung anong papasukin ko. Alam ko kung anong limitasyon ko. At alam kong maging responsable sa desisyon na gagawin ko. Trust me, Kuya. Malaki na ako. I can handle this.”

“But still, Sage and I need to talk. Lalaki sa lalaki.”  

“Okay, Kuya Troy. Salamat.” I hugged him. Niyakap naman niya ako pabalik.

Kumalas ito sa pagkakayap sa akin at kinuha ang cellphone niya sa bulsa. May tinext ata. Pagkatapos ay nagpaalam siyang may pupuntahan lang saglit.

“May kikitain lang ako ha. Sige.” Paalam nito.

Tumango ako. “Mag-iingat ka.”

Pagkalabas ni Kuya ng kwarto ko, tumingin ako sa wall clock. May isang oras pa pala ako bago ang date namin ni Sage. Kinuha ko ang towel ko at nagtungo sa banyo upang mag-shower.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon