[63] And my heart says, It must be you.

2.6K 66 34
                                    


Chapter Sixty Three

SAGE

“Achoooooooo!”

Bwiset! (-_-) 

Kumuha ako ng gamot sa bedside table ko at pumunta sa kusina upang kumuha ng tubig. Inuubo at sinisipon lang naman ako dahil sa naulanan ako kahapon. (-.-’)

It’s already 5am in the morning. Feeling ko hindi na ako makakapasok sa Sweets and Cups Cafe ngayon dahil sobrang masama ang pakiramdam ko.

After kong mag-walk out kahapon, hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya dumerecho na lang ako sa playground na madalas naming puntahan ni Baba (Aicel). Malay ko bang aabutan ako ng ulan. Wala naman akong dalang payong at ayoko pang umuwi dahil sasabunin lang ako ni Ate Aries ng mga tanong, kaya naisipan kong tumambay at mag-isip isip muna. 


Hahalikan ka niya, Aicel! Hindi mo ba nakikita yon?!” 

“Eh ano naman sa iyo kung hahalikan niya ako?!” 

“Ayokong halikan ka niya!” 

“At bakit? Sabihin mo nga sa akin kung bakit! Anong karapatan mong pagbawalan ak—”

“Dahil ako lang ang pwedeng humalik sayo!” 

“A-Anong sabi mo?” 

“I love you, Aicel.”

“S-Seryoso ka ba? T-Totoo ba to?” 

“I’m fucking serious, Aicel. I just want you. That’s it. All your flaws, mistakes, smiles, giggles, sarcasm. Everything. I just want you. And if you’ll just give me a small chance, I will prove to you that I will be one of the best decisions you’ll ever make.” 

“Wow, kid. After all these years, you really love her, don’t you?” 

“I never stopped loving her. And I can’t imagine the day I won’t love her.” 


Kapag naaalala ko ang mga salitang binitawan ko sa kanya kahapon, hindi ko mapigilang matuwa sa sarili ko. Isipin niyo namang after all these years, gumraduate na ako sa pagiging torpe ko! Ang totoo niyan, hindi ko naman talaga pinaghandaan ang mga sasabihin ko. Kusa lang silang lumabas sa bibig ko nang makaramdam ako ng matinding—ugh—selos dahil muntik ng halikan ni Raven si Aicel. Malay ko bang si Raven pala yon! (-___-’)

Pinsan ni Aicel si Raven at noong mga bata pa kami, naging sobrang close kaming dalawa, pati na rin si Brie na kapatid niya. Ang laki ng pinagbago ng loko! Mas tumangkad ito at hindi ko talaga siya nakilala. Akala ko tuloy siya na yung tinutukoy ni Aicel. 

“Ugh!” Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis. “Ano ng gagawin ko? Lalayuan na ako nun! Baka pagtawanan pa ako nun, o baka asarin pa niya ako lalo. Ugh!” 

“Pfft. Baliw! Hahaha.” Nagulat ako nang may tumawa mula sa likuran ko.

Tss. I saw Ate Aries grinning at me. Halatang nang-aasar pa oh. 

“Binata na ang kapatid ko. Haha!” Nakangising sabi nito. 

“Heh!” Binato ko sa kanya ang balat ng medicine nang buksan ko ito. “Ano bang pinagsasasabi mo diyan? Kainis to!” At saka ako uminom ng gamot. 

“May sakit ka?” Lumapit ito at sinapo ang noo ko. “Hindi ka naman mainit ah.” 

“Masama lang pakiramdam ko. Naulanan kasi ako kahapon.” Sabi ko dito dahil magiging OA na naman siya dahil uminom ako ng gamot. 

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon