[47] That's why you're in a locker, full of hurt.

5.9K 72 21
                                    

Chapter Forty Seven 

SAGE

Pagod na pagod akong umuwi ng bahay ngayon. Ang dami naming ginawa sa araw na to. Sabayan pa ng puspusang basketball training ng mga varsity at commotion sa amin ni Lewis. Hindi nga kami nagpapansinan sa gym kanina e. Nahahalata na rin ng tropa namin na may nangyaring hindi maganda kaso mas pinili ko na lang na huwag na munang magsalita. Mukang maaayos rin naman agad tong sa amin ni Lewis e. Sana.

“Ate! Nakauwi na ako!” Naabutan ko kasing nanunuod si Ate Aries ng TV e.

“Oh. Magbihis ka na. Kakain na tayo.” Sabi niya sa akin pagkatapos ay tumayo na ito at nagpunta sa kusina para maghanda ng dinner namin.

Dumerecho na ako sa kwarto ko at nang makita ko ang napaka-lambot kong kama, agad akong tumalon dito at humiga. Wooo! Alam niyo yung feeling na para kang hinihila ng kama mo? Haha. Ang sarap lang sa feeling! Grabe talaga ang sakit ng katawan ko. Grabe talaga ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Physically and Emotionally. Haaaay.

Nalilito na ako sa mga nangyayari. Kamusta naman ang sinabi sa akin ni Patch kanina? Seryosong nagpatigil ng mundo ko yun e. Tss. (-__-’)

**Flashback**

“Oo nga e. Bagay tayo. Tayo na lang kaya?”

(O//////O)

Natigilan ako sa sinabi niya at napatingin ako ng derecho sa mata niya to check if she’s damn serious. And yeah, I can’t find glitters of joke in her eyes. Muka siyang seryoso at ang serious ng face niya. Nagbibiro ba ito? Seryoso ba siya? Ahhhh—Aray!

*POK* 

Bumalik ako sa aking wisyo nang makaramdam ako ng isang malakas na hampas sa balikat. Hulaan niyo kung sinong baliw ang gumawa non (--.) At saka siya tumawa ng malakas na malakas na halos marinig na ang halakhak niya sa buong campus. Napahawak pa nga siya sa tiyan niya dahil sa sobrang kakatawa e. My gahd. (-___-’)

“Hahahahaha! You should have seen your face! Sobrang panget ng reaction mo. Nakakatawa, Sage! Hahaha. Syempre, joke lang yun. Hahaha!” (^.^) She said.

Hindi pa rin ako nagsasalita. Pinapanuod ko lang siya sa pagtawa niya. Hindi ko nga gets nung una kung bakit siya tumatawa pero nang tuluyan nang magsink-in sa utak ko na nagbibiro lang siya, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

Napatawa rin ako. Pero muka akong robot. Ang putek! “HA HA HA HA!”

“Huy!” He poked me and suddenly she became serious. “Aalis na ako ha. Baka mapagkamalan pa akong baliw kasama ka eh.” At pagkatapos nun, umalis na siya sa harap ko.

Tignan niyo yung babaeng yon! (-____-’) Sabihin niyo nga sa akin, ganyan ba talaga ang mga broken hearted? Ganyan ba ang mga sawi, nandadamay ng kabaliwan nila sa isa pang sawi na katulad ko? Tss. Baka daw mapagkamalan siyang baliw dahil kasama niya ako? Eh ako yung nababaliw dahil sa sinabi niya! Kami na lang kaya? Shit. Paki-alog nga ang ulo ko! (~.~)

**End of Flashback**

Ano ka ba, Sage. Kumalma ka nga at wag mo ng isipin ang mga sinabi sayo ni Patch. Joke lang yon. Biro lang at walang halong katotohanan. Tss. Kalimutan mo na. Pero, tae. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Takte! Nalilito na talaga ako. Parang nahahati na ang utak at puso ko between Aicel and Patch. Kasi naman eh! Waaaaaah! (-//-)

“SAGEEEEEEE!” Bigla akong napatayo sa sobrang gulat ko nang sumigaw si Ate Aries kaya dali dali akong lumabas ng kwarto ko at tumakbo sa dining area.

“Anong problema, Ate?” Tanong ko agad pagkakita ko sa kanya.

She raised her brow. “Bakit hindi ka pa nagbibihis, huh?”

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon