[71] You would still have my heart until the end of time.

2.4K 78 61
                                    


Chapter Seventy One

PATCH

“Sira ulo ka talaga no?” Pang-ilang beses ko na bang sinabi to kay Sage?

Simula noong iwan kami ni Lewis at Aicel dito, inalalayan ko si Sage na maka-upo sa buhanginan. Tatawa-tawa pa ito dahil kanina ko pa siya sinasabihan ng kung anu-ano.

“Tama ba yung ginawa mo ha? Nakita mo tuloy yang nangyari sayo!”

“Isang suntok lang naman. Ito talaga! Parang binugbog ako ni Lewis ah.” Depensa niya saka tumawa ulit. “Hindi magagawa ni Lewis yun.”

“Sira ulo ka talaga, Padilla!” I smirked at him. “Goodluck na lang sayo. Kung nakita ni Aicel yon, sana pansinin ka pa niya. Tch.”

“Oh shoot.” Natigilan ito sa pagtawa. “Ugh! Baka magselos yun!” He looked at me with pleading eyes. Hinawakan niya ang braso ko upang magmakaawa. “Tulungan mo ako, Patch. Sabihin mo sa kanya na wala naman talagang nangyari.” 

I rolled my eyes on him. “Sige, tutulungan kita. Unless, bibigyan mo ako ng isang magandang rason kung bakit mo ginawa yun.”

“Tch. Easy.” Napangisi ito. “Ginawa ko yung dahil mahal ka ni Lewis. He does something to stop me from kissing you. That only means he’s crazy about you.”

“Wow! Paki-connect nga. Ang hina ata ng radar ko dito.”

“Slow.” He ruffled my hair while laughing. “Alam mo bang napa-amin ako kay Aicel nang wala sa oras dahil muntik na siyang halikan ni Raven Brian.”

“R-Raven Brian?” I raised a brow. “Diba pinsan ni Aicel yun?”

“Exactly!” Ngumiti ito at hinarap ako sa kanya. “Sabi ko sayo based on personal experience ang ginawa ko kanina diba? At napaka-effective niya. Noong sobrang lapit na ng muka ni Brian kay Aicel non, kusa na lang gumalaw ang mga kamao ko at lumanding sa muka niya. I don’t want to see her with other guys. Hindi ko kakayanin. And I believe Lewis felt the same.”

Hindi ko alam pero naiiyak na naman ako. Sa bawat rinig ko ng pangalang Lewis, namimiss ko siya. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang makasama.

“Sinabi sa akin ni Aicel ang reason niya kung bakit siya nagpaligaw kay Lewis. But that doesn’t mean she has romantic feelings towards him. Nung nakita ka niyang nasaktan, Aicel promised her self that Lewis will regret leaving you. That same day, nag-away din kami ni Lewis nun e. Kilala mo naman si Lewis kapag galit. He made decisions without thinking and that decision led Aicel to play with him. Sinabi niyang gusto niya si Aicel kahit na alam nating lahat kung sino talaga ang laman ng puso niya. Sino pa ba? Edi ikaw.”

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. “Tss. Tama bang mang-asar ka sa kalagitnaan ng pagda-drama natin, ha?” (-__-)

“Wag kang mag-blush. Hindi pa ako tapos e.” Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko. “Ikaw kasi. Amin amin din pag may time! Akala tuloy ni Lewis na hanggang ngayon crush mo pa rin ako. Binibigay ka tuloy sa akin. Kaloka! Inagaw pa sa akin si Aicel para maging pantay kami. Aba’t! Gago talaga yun!” He said through gritted teeth.

Nagpakawala siya ng isang buntong hininga. “Ang totoo nga niyan, ayaw na kitang ibalik kay Lewis e. I’ve seen you at your worst kaya ayoko na nakikita kang nasasaktan. Kaso naisip ko, hindi ka nga masasaktan pero magiging masaya ka ba?”

“Tss. Hindi ko talaga maimagine na naging crush kita. Alam mo yun? Nakakadiri lang e.” Naiiling kong sabi. Pang-asar lang. Haha!

“Ang gwapo ko kasi e!” He said with a smug.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon