[52] But I'm trying to hope with nothing to hold.

6.3K 105 60
                                    


Chapter Fifty Two
 

NORMAL POV

Dumerecho agad si Patch sa kanyang locker pagkarating nito sa school. Today is the big day! Ito ang araw na pinaka-aabangan ng mga estudyant, ang basketball game ng school nila! Woooo! Lahat sila ay kinakabahan. Sana manalo ang school nila!

“Ano to?” She taugh to herself. Mayroon kasing post it na nakadikit sa locker niya.

Goodmorning, beautiful. She doesn’t know why but her lips automatically smiled. Kanino kaya galing iyon? Secret Admirer? Hah. Uso pa ba yun sa panahon ngayon?

“Hey!” Someone tapped her back. Nilingon niya ito at tumambad sa kanya ang muka ni Sage.

Nakangiti siyang nag-wave dito. “Hello! Ikaw pala yan.”

Sage just rolled his eyes at her. “May kasalanan ka sa akin. Hmp!”

“Ha? Ano?” Nagtatakang tanong nito. May nagawa ba siyang masama kay Sage? Para kasing wala siyang natatandaan e.

“Kinulong niyo kami ni Aicel sa Student Council Office kahapon. Kinuntsaba mo pa si Zion.” He grimaced. “Akala ko naman may sasabihin kang importante kaya sumugod agad ako don. Yun pala, sinet-up niyo kami. Tss!”  

“I was just trying to help you para umamin kay Aicel. Life is too short, Sage. Say it before it’s too late. Hindi ka pa ba natuto sa nangyari sa akin at kay Lewis?”

Hinawakan ni Sage ang magkabilang balikat ni Patch. Ramdam na naman kasi nito ang lungkot ng kaibigan niya. “Patch naman, e. Alam mo namang na kahit hindi pa ako umamin e, basted na agad ako kay Aicel. Kung sasabihin ko sa kanya, baka pagtawanan lang niya ako. Kilala mo naman yang kaibigan mo. O kaya, baka umiwas siya.”

“Pero kasi—” Hindi na niya ito pinatapos sa sasabihin niya.

“Mas okay na kami sa ganito. Yung away, asaran at bwisitan araw araw kaysa masira pa ang tanging paraan para magka-usap kami. At isa pa, alam ko naman na hindi niya ako gusto. Mas madali sa akin ang ganito kaya huwag mo ng intindihin yon.”

“Sorry na.” Mahinang sambit nito habang nakatungo.

Sage smiled at her sabay gulo sa buhok ni Patch. “Okay lang. Basta ba ichi-cheer mo ako sa basketball game mamaya e.” (^.^)

“Oo naman! Ichi-cheer kita. Go, Sage!” Tinaas baba pa niya ang kanyang kamay, as if cheering Sage. Lalo tuloy napangiti ang binata.

“Goodluck din mamaya. Break a leg!” Naalala kasi nitong may cheering pa si Patch.

“Oo naman no! Go, Sage! Go, Sage!” Tulad kanina ay tinaas baba ulit ni Patch ang kamay niya upang i-cheer si Sage.

“Teka.” Sage grabbed her wrist nang may mapansing kulay dilaw sa palad nito. Agad niya iyong kinuha at binasa. Napakunot-noo ito. “Ano to? Goodmorning, beautiful?” (~~.)

“Nakita ko lang yan sa locker ko.” Depensa nito.

“Mmm. Mukang may stalker ka. Tss.” Napailing ito. “Naku! Kailangan nating makilala ang stalker mo. Malay ba natin kung adik lang yan sa kanto. Hahaha.”

“Grabe! Hindi naman siguro, no.” Natatawang sabi nito kay Sage nang may maalala siya. “Actually, may nag-padala rin sa akin kahapon. Ito nga oh. May kasama pa yang lunch.”

Kinuha ni Patch ang isa pang note sa locker niya. Sage scowled. “Okay ka lang ba? May nararamdaman ka bang hindi maganda? Baka may gayuma binigay nun sayo ha.”

She playfully hit Sage’s shoulder. “Ang OA mo ha!”

Natawa na lang si Sage at nagpaalam na kay Patch. “Sige, may practice pa kami e. Bye! See you later, Patch. Aasahan ko ang cheer mo ha!”

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon