[31] Just the thought of you can drive me wild.

6.5K 65 7
                                    

Chapter Thirty One

AICEL

Pagka-alis ni Patch upang hanapin at suyuin si Lewis, parang may sariling utak ang mga paa ko. Kusa silang tumayo at naglakad upang hanapin si Sage. Nakakainis! Hindi ko nga alam kung bakit e, pero gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang awayin, gusto ko siyang sapakin, gusto ko siyang kausapin, gusto ko siya—Ugh! Nakaka-frustrate! 

Hindi ko pa siya nakikita after nung nangyari sa retreat. Hindi ko na talaga maintindihan tong nararamdam ko. I know, unti-unti ko ng natatanggap ang katotohanang hindi kami pwede ni Lewis, na hindi siya para sa’kin dahil para siya kay Patch. Ngayon, mas masaya ako para sa kanila. Unti-unti ko ng nakakalimutan ang feelings ko kay Lewis.

Pero ang nagpapagulo naman nito, ay si Sage.

I used to be sure of what I really feel. But after that kiss, I don’t know anymore.

xxx

Naglalakad ako sa hallway nang marinig ko ang familiar voice na yun. Dati rati, nabubwisit ako sa tuwing naririnig ko ang boses niya. Pero ngayon, iba na. Parang mas nae-excite ako.

“Madaya ka talaga, Ate! Hindi mo man lang ako tinirhan ng chocolate.” 

“Hahaha! Ikaw kaya diyan, halos lahat ng damit na pasalubong nila sa’yo. Tapos binilhan ka pa ng bagong ukelele. Madaya ka, Sage!” 

Hinanap ko ang boses na iyon at hindi nga ako nagkamali. 

Si Sage. Kasama si Ate Aries. 

Nang makita ako ni Ate Aries, lumapit siya sa akin. Sumunod naman sa kanya si Sage. Tapos yung itsura ni Sage, parang galit na ewan. Hindi nga siya tumitingin sa mata ko e. Umiiwas lang siya, pero ramdam mong galit.

Ano bang kasalanan ko sakanya? Wala naman ah! Siya pa nga ang may atraso sa akin. He did something na hinding hindi ko makakalimutan! Ugh!

“Hi Aicel!” Nginitian niya ako. “Where’s your Kuya Troy?”

“Uhh.” I feel uncomfortable. Nararamdaman ko ang mga titig ni Sage sa akin. “B-Baka nasa room na niya, Ate. Kanina pa kasi kami naghiwalay e.”

“Ah, ganon ba? Sige ha, mauuna na ako sa inyo.” Paalam niya saka umalis.

Tumingin ako kay Sage. Tumingin rin siya sa akin pero bigla niya ring iniwas ang mga mata niya. At saka siya umalis, at naglakad.

“Sage!” Tawag ko sa kanya. Pero hindi niya ako pinapansin.

Nakakainis talaga siya! Hindi ba’t dapat ako ang galit sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin? Bakit ako ang naghahabol? Bakit ako ang nanunuyo? Tss.

Kahit anong bilis ata ng takbo ko, ganun rin kabilis ang paglayo niya.

“Sage! Tumigil ka nga—Ouch.”

xxx

PENSHOPPE

“Pare, ano bang kasalanan ko? Galit na naman sa akin si Thea.” Nakasimangot na parang bata na nagsusumbong sa amin si Bench. Kanina pa daw kasi siya hindi pinapansin ni Thea.

“Oh? Hindi ka pa ba nasanay dun? Lagi naman siyang galit sayo ah?” Tanong ni Zion.

“Oo. Pero kahit naman na nag-aaway kami, ayoko na hindi niya ako pinapansin. Mas okay pa sa akin na sinisigawan niya ako. Pero wag namang ganto.”

“Inlove nga to. Ayaw pang umamin.” Naiiling na sabi ni Lewis.

“Hindi ako inlove no. Ayoko lang talaga na magalit siya sa akin to the point na hindi na niya ako kinakausap.” Depensa ni Bench.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon