[21] And fan the flames so hot it melts our hearts.

7.1K 77 14
                                    


Chapter Twenty-One

PATCH

Kanina pa ako andito sa bahay nila Aicel. Napag-usapan kasi namin kanina na magha-hangout kami after lunch time dahil pareho naman kaming walang klase. Sabi ni Kuya Troy, hindi pa daw umuuwi si Aicel kaya naman nag-assume ako na baka kasama pa niya si Sage dahil sabay silang magla-lunch. I tried calling her pero lagi namang out of coverage area ang phone niya. No choice, I’ll wait for her in the living room.

“Patch, kain ka muna.” Offer ni Kuya Troy sa akin na kasalukuyang nagsusuklay ng buhok.

“Hindi na, Kuya. Hihintayin ko na lang si Aicel.” I said.

“Osige. Basta pag nagutom ka, may pagkain diyan sa kusina. Huwag ka ng mahiya at kumuha ka na lang. Hindi ka naman iba e.”

“Sige sige. Salamat, Kuya Troy.”

“Aalis lang ako. Magkikita kami ni Aries ngayon.” Paalam niya.

“Okay. Ingat ka, baka madapa. Haha!” Ginulo niya muna ang buhok ko bago tuluyang lumabas ng bahay.

Ilang oras na ang nakalipas nang umalis si Kuya Troy, wala pa rin si Aicel at nag-iintay pa rin ako dito. Palipat-lipat na nga ang channel ng tv dahil wala akong magandang mapanuod. Wala rin akong maisip na i-tweet at wala talaga akong magawa. Ang tagal naman ni Aicel. Si Nanay Isay lang ang kasama ko dito eh, kasambahay nila.

Magpa-5pm na nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto ng bahay nila Aicel. Napatingin ako at siya na pala ang dumating. Saan kaya to nagpunta at inabot ng ganitong oras? Nakangiti kasi e. Kasama ba niya si Sage? Medyo napapansin ko kasing nagiging mas close sila.

“Patch? Bakit andito ka?” Nagtatakang tanong sa akin ni Aicel.

I faced her. “Di ba sabi mo pumunta ako dito ng 2pm para makapaghang-out tayo?”

Bigla niya atang naalala ang usapan namin kanina. “S-Sorry.” Mahina nitong sabi.

“5pm na ah. Bakit ngayon ka lang? Nakalimutan mo ba?” (-__-’)

“Sorry, Patch. Nakalimutan ko.” Paghingi nito ng paumanhin.

“Saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita tinatawagan ah.” I said. My expression was blank.

“Nalobat kasi ako e. Sorry talaga. Tsaka kasama ko si Lewis kanina. May pictorial daw kasi sila at kailangan niya ng partner. Hindi na din ako nakatanggi. Tsaka nag-park kami kanina.” Bigla itong napangiti, marahil ay dahil may naalala. “Tinuruan ko siyang mag-bike. Haha! Hindi pala marunong si Lewis non.”

(‘-__-) “Ah, ganon ba? Sige, mauna na ako sayo. Magpahinga ka na.”

“O-Okay. Ingat ka.” Then I went out of her house.

Ewan ko. Hindi ko alam, pero bigla akong nakaramdam ng inis pagkasabi ni Aicel na kasama niya si Lewis the whole time I’m waiting for her. Eto na naman yung feeling na someone betrayed me. Naiinis ako! Pero hindi ko alam kung anong dahilan ng pagka-inis na iyon. Dahil ba nakalimutan ako ni Aicel? O, dahil kasama ni Aicel si Lewis? Dammit! (-___-’)

xxx

Lumabas na ako ng bahay nila Aicel at naisipan kong umuwi na lang dahil wala naman akong magawa. Pero parang may napansin akong pamilyar na tao na nagtatago sa isang puno na katapat ng bahay nila Aicel. Lumapit ako sa puno, and I was right. Nakita ko si Sage na nakatakip ang kamay sa muka. Nakakatawa yung itsura niya. Haha.


“Hoy! Bakit ka nagtatago diyan?” Tanong ko sa kanya habang pilit kong inaalis ang kamay na nakatakip sa muka niya.

“Uy, Patch!” Nag-wave ito ng kamay. “Ikaw pala yan. Long time, no see ah? Kamusta? Andito ka rin pala. Wow! Ang galing! Andito rin kasi ako. Hahaha!” Problema nito?

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon