[64] With you, I'm gonna do quite a few things that I never thought I would do.

2.6K 75 31
                                    


A/N: 
Side story lang muna. Na-writer’s block ako e. Sorry.


xxx


Chapter Sixty Four

NORMAL POV

Bench and Thea’s lips parted at nakangiti lang sila sa isa’t-isa. Parang nawala ang lahat ng alcohol sa katawan niya. Bumalik siya sa dati, at sobrang saya nila.

Bench held her hand and they decided to go back to their table.  

Nanlaki ang mga mata ng barkada nang dumako ang kanilang atensyon sa kararating lang na sila Bench at Thea na magkahawak-kamay.

“Okay? What is the meaning of this?” Ella uttered at nagpalit-palit ang tingin niya sa nakangiting sila Thea at Bench. “Uso sumagot.”

Natatawang itinaas ni Bench ang kamay ni Thea na hawak niya. “My girl.”

(^.^) Bench and Thea’s reaction.

(O.O) Barkada’s reaction.

“S-Seryoso?” Sabay sabay na bulong nila Patrick, Zion, Lewis, Carlo at Pen.

Napatango na lang si Bench. “Oo nga. Bakit ba ayaw niyong maniwala? Gusto niyo pa bang halikan ko si Thea sa harap ninyo?”

“WAG NA!” Sabay sabay na sigaw nila Ella, Patch, Aicel, Reine, Patrick, Zion, Lewis, Carlo at Pen. Wala pa rin si Reese sa table dahil naglilibot pa ito.

“Mga insecure kayo.” Bench murmured at umupo na sila sa kanilang seats.

“Zion!” Hingal na hingal na lumapit sa table namin sila Stan. “Tayo na susunod. Halika na!”

“KAKANTA KA?” Everyone shouted in unison.

Napakamot na lang si Zion sa ulo. “Masama ba?”

“Seriously? Wala akong payong, bro.” Nag-aalalang sabi ni Patrick.

“Bwisit ka!” Binatukan nito si Patrick saka tumayo. “Gagraduate na ako sa pagiging torpe, guys. Watch and learn.” Nakangiti nitong nilisan ang table at nagtungo na sa stage.

“Kumakanta pala si Zion?” Gulat na tanong ni Patch.

Natawa na lang ang mga lalaki sa bulung-bulungan ng mga kasama nilang babae. Hindi talaga sila makapaniwala. Alam naman kasi ng mga boys na may boses si Zion. Gusto lang talaga nilang asarin. Para lumakas ang loob.

“Graduation naman niya. Pabayaan niyo na.” Sambit ni Pen.

“Anong graduation?” Napalingon ang lahat sa babaeng kadarating lang.

“Si Zion gagraduate na sa pagiging torpe. Panuorin mo, Reese.” Tinuro ni Lewis si Zion sa stage. Tumayo sila upang makita ang binata.

“Good Evening, everyone!” Bati ni Zion sa mga audience. “Ako nga pala si Zion Marasigan, nakatira ako sa blah blah blah. Ang cellphone number ko po ay—”

Naeexcite na binunot ng mga babae ang kanilang cellphone. Ngunit, sabay sabay na sumigaw sila Bench, Pen, Lewis, Patrick at Carlo sa kanya. “SIMULAN MO NA!”

Zion glared at them. “Nagbabaka-sakali lang naman. Baka ma-discover ako. Duh!” Kinuha na nito ang mike at pumwesto na sa gitna. Napangiti siya nang matanaw si Reese.

Nagtama ang mga paningin nila kaya naman automatic na napangiti si Reese kay Zion. “Goodluck.” She mouthed.

“Reese.” Nagulat ang lahat nang banggitin nito ang pangalan ni Reese. Napalingon naman sila Patch, Aicel, Reine, Ella at Thea dito. “This song is for you.”

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon