[19] Can't fight this feeling.

8.6K 103 15
                                    

Chapter Nineteen

NORMAL POV

Halos mabingi na si Lewis dahil simula pa lang nang pagpasok nila sa kotse ay walang tigil na sa pagtatanong si Patch. Ayaw kasi nitong sabihin kung saan sila pupunta kaya kinukulit niya si Lewis. Surprise nga eh. May surprise bang sinasabi agad?

“Saan ba kasi tayo pupunta?” Patch asked for the nth time. Hindi na nabilang ni Lewis kung pang-ilang tanong iyon ng dalaga.

“Secret nga e. Chill ka lang jan.” He casually replied.

Patch pouted because of irritation. “Nakakainis ka naman eh!”

“H-Hoy!” Napalunok na lang si Lewis nang mapatingin ito sa naka-pout na lips ni Patch. Ayan na naman siya! “Wag ka ngang mag-pout. Nate-tempt ako eh.”

Patch didn’t mind him. Nagtanong ulit ito. “Eh bakit ba kasi ayaw mo pang sabihin sa akin kung saan tayo pupunta? Pa-surprise effect ka pa diyan.”

Itinabi ni Lewis ang sasakyan at huminto ito sa pagmamaneho ng kotse. Nagulat si Patch sa ginawa ni Lewis, but what shocked her more is when he glared at her. Binalingan siya nito at hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot or ano.

“L-Lewis.” Patch became uncomfortable when Lewis grabbed her face gently and he looked at Patch straight to her eyes. Then he looked at her lips while biting his own lips and he looked back to her eyes again. *Gulp*

Inilapit lalo ni Lewis ang muka niya kay Patch saka ito bumulong sa kanyang tenga. She felt her heart skipped. “I wanna shut that mouth of yours.”

Biglang nakaramdam ng kaba si Patch sa sinabi ni Lewis sa kanya. Pinoprocess pa ng utak niya ang sinabi nito and when she realized what he meant, umiwas agad ito ng tingin. Eh? Does he want to claim her lips again? Natauhan si Patch at dahan dahan niyang inalis ang pagkakahawak ni Lewis sa kanyang muka.

“Hehe.” She awkwardly laughed. “Oo na po. Sige na po. Hindi na po ako mangungulit.” Takot na lang niya na mahalikan mo ulit no. Once is enough. Sa susunod na lang ulit. Napatawa tuloy si Patch dahil sa naisip niya.

“Good.” Nagmaneho na muli si Lewis. At pagkatapos nun, naging payapa ang byahe nila.

xxx

Sa kabilang dako naman ay kakagising lang ni Aicel nang makareceive siya ng text mula kay Sage. Sa hindi niya malaman na kadahilanan ay parang nakaramdam siya ng excitement nang mabasa ang message nito.

From: Sage

I’ll be picking you in a bit. Magbihis ka na. May pupuntahan tayo.

Saan naman kaya sila pupunta? Bakit hindi pa sinabi ni Sage sa kanya? Err! Pabitin pa e. Nakakainis na nakaka-excite!

Naghanap agad siya ng magandang susuotin at nagderecho sa banyo at naligo. Tila lumilipad ang utak niya. She’s excited and nervous at the same time. Ngayon na lang ulit sila mag-uusap ni Sage pagkatapos ng nangyari sa Student Council Room at sa elevator. Bigla tuloy nag-flashback sa kanyang isipan ang mga nangyari noong araw na iyon.

“Is it okay if I liked you?”

Sage asked her if he can like her? Tae! Magpa-alam daw ba. Anong joke yon? Loko loko talaga. Balak pa ata siyang pagtripan ng mokong na yon. Ni hindi tuloy siya naka-isip ng sasabihin lalo na’t nasa ibabaw niya nang mga oras na yon si Sage. She’s lost for words. Hanggang sa makarating sila ng elevator, wala pa rin itong imik.

Nagising siya at doon lang niya napansin na nakahilig pala siya sa dibdib ni Sage, habang natutulog naman si Sage ay naka-akbay ito sa kanya. Aicel savored the moment kaya naman napatitig lang siya sa natutulog na si Sage. She stared at his handsome face at doon siya nakaramdam ng kakaibang feeling. Gusto na atang humiwalay ng puso niya sa katawan niya dahil sa sobrang lakas ng tibok nito. Hindi niya rin maintindihan kung bakit parang nakita na niya ang muka ng binata noon pa man. He’s familiar pero kahit pilitin nitong hagilapin sa utak niya kung bakit pamilyar si Sage, sumasakit lang ang ulo nito.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon