[62] I feel something so right, by doing the wrong thing.

2.8K 86 50
                                    

Chapter Sixty Two

BENCH

“Isa ngang black coffee.” Narinig kong order ng aming customer.

Tumalikod ako upang harapin siya at nagulat na lang ako nang tumambad sa akin ang isang nakangiting lalaki. I know him! Isa siya sa pinaka-malapit sa aming magbabarkada.

“BRYDEN!” I yelled. Napatingin tuloy sa akin ang mga taong nasa loob ng Cafe.

“Huwag kang magpahalatang miss na miss mo ako. They might misunderstand.” Binatukan ko nga! Tama ba namang sabihin yon? (--.) Hahaha.

Natatandaan niyo ba yung lalaking nakasalubong namin nila Sage at Patch sa mall noong sinusundan ko si Thea nang makipag-date ito kay Xander? Yan. Siya yun, mga dude!

“Anong ginagawa mo dito? Buti napadaan ka!” Nakangiti kong sabi.

“Isn’t it obvious? I’m ordering.” Walang gana niyang sagot.

Napa-facepalm na lang ako sa sinabi niya (--.) Minsan talaga may pagka-seryoso ang taong to. Hindi niya ata kami namimiss e. Nakakatampo naman. Hay naku!

“Sige na. Sige na. Umupo ka na doon at dadalhin ko na lang ang order mo.” Sumunod naman agad ito at umupo sa bakanteng table. Busy siya sa pagtingin sa camera niyang dala.

“Reese, one black coffee nga.” Utos ko nang makalabas ito mula sa kusina.

“Aight. One black coffee coming up!” She said.

“Bench, ako na ang bahala sa counter. Ikaw na ang mag-serve ng mga orders.” Sabi sa akin ng pinakamamahal kong si Thea at bilang masunurin na soon-to-be-boyfriend niya, I followed her.

Kinuha ko na ang black coffee na order ni Bryden at tumungo sa table niya. Dahan dahan akong pumunta sa pwesto niya upang makita ang kinabi-busyhan niya. Ano bang meron sa camera niya at mahal na mahal niya yon? Naka-kwintas pa nga sa leeg niya e. Hahaha.

“Oh!” Nanlaki ang mata ko at napaturo sa camera niya dahil sa nakita ko. “Is that Reese?”

“Tae!” Halos mapatalon na siya sa sobrang gulat. Binatukan niya ako at inagaw sa akin ang kape niya. “Bakit ba napaka-chismoso mong Sandoval ka?”

“Sandoval din kaya si Pen!” Sagot ko.

“Pero ikaw ang chismosong Sandoval sa pamilya niyo!” (~.~)

Okay. Sabi ko nga, mananahimik na ako. Nagagalit na si Bryden e. Napaka-seryoso talaga ng nilalang na to. Hindi na bagay sa kanya. Haha!

“Hoy ha! Nakita ko yon. Bakit ka may picture ni Reese sa camera mo? Crush mo siya no? Umamin ka!” Umupo ako sa katapat na upuan nito.

He suddenly flashed a creepy smile. “Reese.” He uttered.

“Oh my!” Napasapo ako sa noo ko. “Tinamaan ka ata. Bawal yan, pre.”

Bigla naman itong sumimangot sa sinabi ko. “Bakit naman? Tropa tropa tayo dito. Ipakilala niyo naman ako sa magandang binibini na nagngangalang Reese.”

“Yun nga e. Tropa tropa tayo dito. Gusto siya ni Zion e. Kaso alam mo naman ang lalaking yon, may pagka-torpe din e. Kakainis!”

“Ganon ba?” His face fell. “S-Sayang.”

“Nakakainis no? Kapag tinamaan ka ni Kupido, nakakabaliw. Walangya talaga yun! Baliw na baliw na tuloy ako kay Thea.” Haaaay! Ang ganda ni Thea oh. Kitang kita ko sa counter.

“Yung ex-girlfriend mo?” Tanong nito.

Napangiti ako. “Yung soon-to-be-girlfriend ko ulit.”

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon