[66] It takes me all the way. I want you to stay.

2.5K 65 30
                                    

Chapter Sixty Six

AICEL

“Aicel, sigurado ka bang hindi ka na magpapasundo?” Raven asked me for the nth time.

Mga five minutes na akong nakatayo sa labas ng gate nila Sage kaya lang, si Raven ayaw pang umalis. Paulit-ulit siya ng tanong. Ang kulit! (-_-)

“Brian! You’re so kulit naman e. She said she’s fine na so let’s go.” Sabi ni Brie sa kakambal niya. Eto na naman ang pagiging conyo niya.

Hindi nito pinansin si Brie. “Sigurado ka talaga, Aicel? Aalis na kami.”

“Oo nga, Ray. Umalis ka na! Magtetext na lang ako kapag kailangan kita.” Pumasok na ako sa loob ng gate tutal bukas naman.

“Pero Aicel! Sigurado ka ba—Aray!” Napakamot ito sa ulo niya nang batukan ito ni Brie.

“Isa pang tanong mo, pipilipitin ko na yang leeg mo. Let’s go home na!” Wala ng nagawa si Raven kundi ang paandarin ang kotse niya at sumibat.

Wala pang isang minutong nakaalis ang kotse, naramdaman ko na lang na nag-vibrate ang cellphone ko. Hindi ko na binasa ang name sa screen. Agad ko iyong sinagot.

“Hello? Sino to?” I said.

“Aicel, sigurado ka ba—toot toot.

Binabaan ko agad siya ng telepono. Kilala niyo na kung sino yun. (-__-) 

Napatitig ako sa pintuan na nasa harap ko. Andito na ako sa bahay nila Sage. Oras na siguro para ayusin lahat ng to. Kailangan ko na siyang maka-usap.

Inhale, Exhale. Inhale, Exhale. Woooah. This is it.

*Tok Tok Tok*

Bakit ang tagal naman niya atang buksan ang pinto? Asaan kaya si Manang? Tulog na? Hay. Sabagay, gabi na rin. Intayin ko na lang kaya si Ate Aries? Mukang wala pa naman siya e.

*Tok Tok Tok*

Ano ba naman kasing sapak ko at naisipan kong pumunta dito ng 11pm ng gabi? Kaloka! Malamang natutulog na ang mga tao dito. Shunga ko rin ano? Pero hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko. Gusto ko na siyang maka-usap. Ah, basta! I’ll talk to him by hook or by crook.

*Tok Tok Tok*

Ano ba yan! Loobin ko na kaya—

(o.o) “SAGE?”

xxx

SAGE

Kinuha ko ang aking cellphone sa bed side table ng tumunog ito. May nagtext!

From: Ate Aries

Sage, how are you feeling? Male-late ako ng uwi. May tatapusin pa akong project and don’t worry, I’m with Troy. Call me if may problem, okay? Pahinga ka. Goodnight!

---

Minsan sa buhay, may pagkakataong sweet si Ate Aries. Mabuti na lang at naging kapatid ko siya kahit na madalas siyang bully. Hahaha!

Oo nga pala, home alone ako dito sa bahay. Friday kasi ngayon at nag-day off si Manang. Sa Monday na ulit ang balik niya. Ayaw pa nga sanang umuwi ni Manang dahil may sakit ako, kaso naawa naman ako. Minsan na nga lang niya makasama ang pamilya niya e.

Grabe! Kanina lang ay sinisipon at inuubo ako. Pero ngayon, nabawasan man ang coughs and colds ko, napalitan naman ng lagnat. Lamig na lamig na nga ako dito kahit mababa na ang temperature ng aircon ng kwarto ko. Parang gusto ko biglang sumilid sa oven. T.T

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon