[14] Would you come back to me?

8.1K 105 22
                                    


Chapter Fourteen

PATCH

“Ughhh.” Napahilot agad ako sa aking sentido nang magising ako. Shet! Bakit sobra atang sakit ng ulo ko ngayon? Tsk! Ano bang nangyari kagabi at ganito na lang ang sakit ng ulo ko? Feeling ko mababasag na yung bungo ko sa sobrang sakit e.

Ang natatandaan ko lang, natapunan ako ng tubig mula sa itaas ng stage habang kumakanta ng Christmas Song, tinulungan ako ni Sage na makababa ng stage dahil sa sobrang kahihiyan at sinamahan pa niya ako sa CR, hanggang sa maging okay ako. Pagkatapos nun, hinanap ko si Lewis upang sabay kaming umuwi and nakita ko siya. Nakita ko siyang kasama si Geleen. And they kissed! Oh sh*t. Naaalala ko na! Nang tumakbo ako upang makalayo kela Lewis at Geleen, I bumped into Sage and the next thing I knew, kasama ko na ang barkada niya sa Pacific, bar na pagmamay-ari ni Zion habang umiinom. After that, wala na akong maalala sa nangyari. AH TAE! Baka nalaman ni Papa na uminom ako. Patay talaga ako dun!

AHHHHHHHHHH. Ano ba talagang nangyari? Ang sakit sakit talaga ng ulo ko! Pati mga pinag-usapan namin ng barkada ni Sage, hindi ko maalala. Ni hindi ko nga alam kung paano ako umuwi e. Shet lang talaga. Tsaka, bakit iba na agad itong damit ko? Sino namang nagpalit sa akin? Si mama? Ahhhhh! Hindi ko talaga alam!

"Hmp! Pinagshashashabi niyo jan? Kay Shage kaya ako inlooovee! Hehehe!"
"Di kaya! Ikaw kaya ang mahal ko. Kaya nga di ko shinashagot si Lewish eh, kasi ikaw ang laman ng puso ko." 

(O///////////////O)

HAAAA?! WHAT THE! ANO DAAAAAW?!

Ano tong mga naaalala ko? Sino bang nagsabi non? Ako ba? Sinabi ko nga ba sa barkada na mahal ko si Sage? Waaaaaah! Hindi ko alam! (-___-‘)

"Hmp! Pinagshashashabi niyo jan? Kay Shage kaya ako inlooovee! Hehehe!"
"Di kaya! Ikaw kaya ang mahal ko. Kaya nga di ko shinashagot si Lewish eh, kasi ikaw ang laman ng puso ko." 

 

EHHHHHHH. TAMA NA! AYOKO NA! -.-

"Hmp! Pinagshashashabi niyo jan? Kay Shage kaya ako inlooovee! Hehehe!"
"Di kaya! Ikaw kaya ang mahal ko. Kaya nga di ko shinashagot si Lewish eh, kasi ikaw ang laman ng puso ko." 

Nag-confess ba talaga ako kay Sage kagabi? Oh imbento lang tong naalala ko? Hindi naman siguro diba? UGH. Hindi ko talaga alam! Bahala na talaga. Pero shet lang. Paano pag sinabi ko nga talaga sa barkada na mahal ko si Sage? Baka wala na akong mukang iharap! Napahiya na nga ako sa harap ng maraming tao, pati ba naman kela Sage? Ugh! Ayoko na ngang isipin to! Nakaka-asar lang. Maka-ligo na nga.

Bumaba na agad ako ng bahay pagkatapos kong maligo. Hindi pa rin nawawala sa utak ko yung mga pinagsasasabi ko. Totoo kaya? Pero bahala na nga. December 24 ngayon at mamaya na ang Noche Buena. Kailangan ko rin tumulong sa parents ko na naghahanda na. Hindi yung puro kain ako dito. Haaay. Patch, wag ka na masyadong mag-isip ng kung anu-ano. Pagkain na lang ang isipin mo imbis na yung naaalala mo. (-.-‘)

“Oh, Patricia buti gising ka na. Alas-onse na ah.” Bungad sa akin ni mama nang tumabi ako sa kanya. Nagulat naman ako nang makumpirmang alas-onse na nga. Hindi kasi ako ganito gumising kapag walang pasok. Usually, alas-otso na ang pinaka-late kong gising.

“Bakit hindi niyo ako ginising agad?!” Para sa akin, sobrang tanghali na ang 11am. Plano ko pa namang sumama kay mama sa pagbili ng groceries sa market.

“Alas-dos ka na nga umuwi kagabi e. Ay mali, kanina pala.”

(O///O) “P-Po?! 2am na po ako umuwi?” Gulat na gulat ako ah! “P-Paano po ako nakauwi dito? Wala po akong matandaan.”

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon