[28] It feels so right to be here with you.

6.9K 82 38
                                    

A/N: Retreat Part 2.

xxx

Chapter Twenty-Seven

AICEL

Nagsama-sama na kaming mga Group no. 2 at naupo sa mga upuan na magkakatabi. Ako, si Marco, Jet, Louise, Jessie and Lewis. Tae! Kasama ko si Lewis. Okay lang naman, kaso diba nga nagmu-move on na ako sa kanya? Pagkatapos ng deal namin ni Padilla (sa third day ng retreat), burado na rin ang pagka-gusto ko sa kanya. Tapos pagsasamahin pa kami sa iisang group? Badtrip yan!

Pwede kayang mangyari yon? Yung mawala ang pagka-gusto mo sa isang tao dahil sinabi mo lang? Uhm Ay! Sabagay, you have to help yourself din naman e para mawala na yung feelings mo sa kanya.

“Hi Guys!” Bati sa amin ni Lewis. Nakipag-apir siya sa amin na mga ka-grupo niya. At nung ako na ang inapiran niya, feeling ko nakuryente ako. Dammit! (-.-’)

“Nakakainis naman oh! Dapat ka-grupo na lang natin si Sage babe e. Tsk!” Bulong ni Jet kay Louise. Narinig ko naman

Psh. Ang lalandi talaga ng mga to! Buti na lang at napahiwalay si Trix dahil kapag nagsama silang tatlo, combo na sa flirting session to! Haha. Buti nga at hindi niyo ka-grupo si Sage. Bwahahaha! Kaso parang gusto ko rin ata siyang makasama sa iisang group. (-__-’)

EHHHHHH?

On the second thought, buti na lang pala at hindi ko ka-grupo si Sage Padilla dahil baka utus-utusan lang ako ng mokong na yan. Magpapaka-saya muna ako habang wala siya sa aking tabi. Hahaha. This is freedom! Wohoooo! Yahoooooo!

Kaso pagtya-tyagaan ko na rin muna tong dalawang babae sa tabi ko na itatago natin sa pangalang Jet at Louise. Tss.

“Bakit ganyan ang itsura mo?” Muntikan na akong mapatalon sa upuan ko nang may biglang kumausap sa tabi ko. Gahd! Si Lewis lang pala.

“Bakit ka ba nanggugulat? Aatakihin ako sayo eh!” (~~.)

“Sorry naman. Ang seryoso mo kasi masyado e. Haha. Ano bang iniisip mo?”

“H-Ha? Wala no. Ang tagal kasing magsimula.” Sabi ko na lang. Pero ang totoo, naiinis talaga ako sa mga katabi ko na kanina pa si ‘Sage’ ang topic. Pinagnanasaan na nila si Sage. My gahd! They’re so desperate! Nakakaloka!

“Louise, palit tayong pwesto. Dito na lang ako sa tabi ni Aicel mauupo. Okay lang ba?” Lewis flashed his sweetest smile na ikinabaliw ni Louise kaya pumayag siyang lumipat sa tabi ko si Lewis. Gosh! Grabe na talaga ang flirting powers! Umaariba!

“Oh, bakit ka nga nakasimangot?” Baling sa akin ni Lewis.

Nakakainis naman to oh! Kung makatingin sa mata ko, wagas! Nakakailang. Gusto niya ata talagang malaman kung bakit ako naiinis dito e. Hay naku! Fine. I’ll tell him.

“Muka na kasing Sage si Jet at Louise e.” Naiinis kong bulong kay Lewis. “Kanina pa nila pinag-uusapan. Nakaka-asar na!” (-.-’)

“Hahaha! I get it now.” Nakangising sabi ni Lewis. “Tignan mo si Padilla. Nakatingin siya dito. If looks could kill, malamang triple dead na tayo dito. Haha!”

Napatingin tuloy ako sa direction ni Sage. Naka-circle kasi kaming lahat at magkatapat ang Group no. 2 at Group no. 3. Totoo nga ang sinabi ni Lewis, nakatingin siya ng masama sa aming dalawa at nang magkatitigan kami, bigla siyang umiwas.

“I want to provoke him.” Bulong ni Lewis sa akin. Shet. Kinilabutan ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa may batok ko. Nagsisitaasan ata balahibo ko sa mangyayari dito ah!

“Wha—“ Before I could say anything, nagulat ako nang akbayan ako ni Lewis. Shiz! Ang puso ko! Ang puso ko! Kumalma ka muna! Utang na looooob!

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon