Chapter 2

92 3 1
                                    

Maglalakad na sana ako pero hinawakan niya ako sa braso.

"Shaina!!" matigas na wika niya.

Bumuntong-hininga ako bago humarap sa kanya. "Ryle, It's really okay!"

"Mag-uusap tayo! Hindi ako aattend nang practice game namin."Aniya saka humarap sa kaibigan namin. "Kayo na mag-excuse sakin kay Coach,"

Namilog naman ang mata ko sa sinabi niya nang biglang magsalita si Ulysses.

"Bro, Alam mong sinabihan tayo ni coach na bawal absent diba?" wika ni Ulysses.

"Kayo na bahala Uly-----"

"Pupunta siya sa practice game niyo!" putol ko sa sinasabi ni Ryle kaya tinignan ako nang masama ni Ryle.

"Shaina?! Ano, Pupunta ako sa practice tapos uuwi ka? No way! Di ka uuwi nang hindi tayo nag-uusap!"

I know Ryle very well, Hindi siya nagpapatalo kaya bumagsak ang balikat ko.

"Pupunta ka sa practice game na kasama ako," ani ko. Tumingin naman siya sa mata ko. "Tara na!" dagdag ko.

Sumunod naman sila sakin saka hinawakan ako sa baywang ni Ryle.

"Ryle, Wag mo akong iwan dito!! Manunuod ako nang game mo!" sigaw ni Iwona.

Humigpit naman ang hawak ni Ryle sakin sa baywang para di ako makaurong sa tabi niya.

"Iwona wala akong oras sayo kaya tigilan mo ako!" malamig na wika ni Ryle.

Naglakad na kami papunta sa gym nang university namin. Dinala niya naman ako sa pwesto na palagi naming inuupan. Alam sa buong university na kami lang ang pwede ang umupo dito.

"Shaina----"

"Gilberts?! Magbihis kana at magsisimula na tayo!" pagputol nang coach nila.

Sumimangot naman si Ryle saka napatingin sakin.

"Magbihis kana Ryle... Manunuod ako nang game mo," ani ko.

Wala ring nagawa si Ryle kundi umalis sa harapan ko kahit ayaw niyang hindi kami mag-usap.

"Okay ka lang?" tanong ni Cassie.

Tumango naman ako sa kanila. Nanuod lang kami sa practice game pero si Ryle parang wala siya sa mood sa paglalaro dahil kanina pa siya sumasablay.

Lumapit siya sakin nang mag-time out saglit ang game.

"Okay ka lang?" tanong niya habang haplos sa baywang ko.

"Hmm..." Tumango naman ako.

"Sana makapag-usap tayo mamaya bago umuwi," wika ni Ryle.

"Mag-focus ka sa game mo Ryle kanina ka pa sumasablay,"

Hindi na siya nakasagot dahil pinabalik na sila sa game.

Habang naglalaro ay biglang tumama sakin ang bola pero di naman ganon kalakas pero napahawak ako sa ulo ko.

"Are you okay, Miss?" wika mula sa baritong boses nang isang lalaki.

"Mukha ba akong ring? Leche 'to! Umalog ata ang utak ko!" Hawak ko sa ulo ko.

"Beb...." tawag nila Cassie sakin.

Tumingin ako sa kanila at naabutan kong nag-aalala sila sakin. Saka ko nilipat ang tingin ko sa lalaking kanina pa nagtatanong kung okay lang ba ako.

"I'm sorry Miss.... Hindi ko talaga sinasadya na matamaan ka," paumanhin niya saka hinawakan ang ulo ko.

Napatingin naman ako sa kanya habang hawak ako. Nakatingin lang din siya sakin.

Love Series 2: Complicatedly InloveWhere stories live. Discover now