Chapter 25:

39 0 0
                                    

Tahimik lang akong kumakain habang nag-uusap sila nang tungkol sa business nila.

"Ano, Estella sasabihin na ba natin sa mga bata?" biglang wika ni Tita Elaine.

Ngumiti naman si Mommy saka pinunasan ang bibig niya habang nakatingin sakin.

"Matagal nanaming pinag-usapan ito ni Elaine at sa tingin naman namin na magkakasundo kayong dalawa..." panimula ni Mommy.

Hindi ko na nakayanan ay hinawakan ko ang kamay ni Kuya Jasper sa ilalim ng lamesa.

"Why?" bulong niya.

Umiling lang ako sa kanya saka nakinig kay Mommy.

"Gusto naming sabihin sainyo na ipapakasal ko ang anak ko sa anak ni Elaine... Drake and Shaina Nicole will be a husband and wife,"

Para akong nabingi sa narinig ko at hindi ko maiwasang mabitawan ang mga kubyertos na hawak ko.

Unti-unti namang tumulo ang luha ko sa mga mata ko. Magsasalita sana ako para tumutol pero hinawakan ni Kuya Jasper ang kamay ko saka inilingan.

"Excuse me... I need air!" Naglakad na ako palabas nang dining area nila.

Feeling ko hindi ako makahinga. Parang sobrang sikip nang dining area nila.

Hindi ko na napigilang mapahagulgol nang makarating ako sa garden nila.

"Nagtataka talaga ako bakit pinipilit ka nang Mommy mo sa iba kahit may boyfriend ka,"

Nilingon ko naman si Drake na nasa likuran ko na pala.

"Noong una akala ko kasi single ka or what... Pero may boyfriend ka naman pala. So, Bakit?" dagdag pa niya.

Inirapan ko siya saka tinalikuran.

"You don't care!" malamig kong wika.

Humalakhak naman siya kaya mas lalo akong nainis. "Oh, Well... I'm your fiance kaya siguro naman may karapatan akong malaman,"

"Hindi ko alam na chismoso pala ang gusto ni Mommy para sakin,"

Walang nagsasalita saming dalawa. Nilabas ko ang cellphone ko saka tinitigan ang picture namin ni Ryle.

Mahal kita Ryle.

"Matagal ko nang alam na ikakasal ako sa isang taong hindi ko kilala... Para sa kompanya eh. Minulat na ako nila Mommy na wala akong ibang mamahalin kundi ang mapapangasawa kong pipiliin nila para sakin," kwento niya.

"C-Can you do me a favor? I want to stop this arrange marriage! I don't want this," pagmamakaawa ko.

Nagkibit-balikat siya sakin bago tumingin sa halaman.

"Pasensya na pero hindi ko magagawa yan... Ayokong idisappoint ang magulang ko," aniya.

Akala ko wala nang ikukumplikado ang buhay ko pero mas lalala papala. Paano ko lulusutan 'to?

"Why don't you give it a try?"

Sinimangutan ko naman sa sinabi niya sakin. "Why would I do that? I have my boyfriend for godsake!"

Hindi na siya nakasagot nang tinawag ako nila Kuya.

"Uuwi na tayo!" Hatak sakin ni Kuya Jupiter papunta sa sasakyan namin.

Buong byahe ay tahimik lang kaming lahat. Kahit panay kwento si Mommy tungkol kay Drake pero hindi ko siya pinapansin.

I can't understand her anymore. Ryle doing everything just to get her approval but why isn't enough?

Love Series 2: Complicatedly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon